Mayor Isko Moreno nagbigay ng isang inspirational message para sa mga taga-Tondo: “Pare-pareho lang tayo ng kinalakihan ng lugar”

Nagbigay ng isang inspirational message si Manila Mayor Isko Moreno para sa lahat ng mga taga-Tondo sa kaniyang naging speech kamakailan lamang sa Tondo, Manila.

Ayon kay Mayor Isko na siya ay nakakatiyak na kahit na sino sa atin ay maaari ding maging matagumpay sa hinaharap na kailanman ay hindi magiging imposible para sa atin.

“Kung nangyari sa amin na kami’y naging matagumpay sa aming kinalalagyaan, pwede rin mangyari sa inyo. Dahil pare-pareho lang tayo ng iniihip na hangin. Pare-pareho lang tayo ng kinalakihan ng lugar.”

Dagdag pa niya,

“Kaya lang nagiging imposible ang isang bagay sapagkat madalas tayong bumibigay.”

Sinabi din ni Mayor Isko na madalas marami sa ating ang naghahanap ng isang kaibigan na akala natin ay malalapitan natin, ngunit ito pala ay siya lamang magdadala sa atin sa kapahamakan.

Payo din ng Mayor ng Metro Manila na dapat lamang nating pagkatiwalaan ang ating sarili na ating makakaya lahat ng pagsubok na dumadating man sa ating buhay.

“Maigi pa na harapin na lang natin ang mga bagay na nasa harapan natin at ikalugod nalang natin. At bukas ng umaga, tayo ay magbuti, pag nakaraos, sunod ulit magbuti, at magbuti, at magbuti. May awa ang Diyos, makakaraos din kayo.”

Sinabi din niya na naniniwala siyang marami sa mga taga-Tondo ang magiging matagumpay balang araw dahil alam niyang ang mga tao na naninirahan sa Tondo ay mahuhusay at matatalino. 

Hinihiling din niya sa mga taga-Tondo na samahan siya upang ibahin ang tingin ng mga ibang mga tao sa mga taga-Tondo katulad ng pagiging magulo at pagiging pala-away.

“Mag sama sama tayo burahin ang kaisipan na tayo ay magugulo, tayo ay pala-away, at tapang natin ay inilalagay natin sa lugar. Pero tayo ay matitino, makatwirang mamamayan ng lungsod ng Maynila.”

Sinabi din ni Mayor Isko na ang mga taong naging popular at matagumpay na taga-Tondo ay magiging isang mabuting ehemplo ng mga bata sa Tondo.

Hiling din ni Mayor Isko sa mga taong naninirahan sa Tondo na sana ay huwag silang mawalan ng pag-asa sa buhay at balang araw ay sila din ay magiging matagumpay. 

Sinabi pa ni Mayor Isko sa kanila na ang pagdodroga ay hindi kailanman magiging isang paraan para sila ay makaahon sa buhay dahil kung sila ay magsusumikap sa buhay, makakamit din sila ng tagumpay sa kabila ng hirap na kanilang pinagdaanan, katulad na lamang ng nangyari sa kaniya na sa kabila ng pagiging isng basurero hanggang sa pagiging sidecar boy, siya ay naging isang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Aniya,

“Magsikap kayo itong kalye na to, kalye na araw araw dinadaanan ko tagaktak ang pawis ko. Sinong mag aakala isang basurero, isang sidecar boy katulad ninyo pwede palang maging alkalde ng lungsod ng maynila.”

Sinabi din ni Mayor Isko na naniniwala siyang makakaya din ng mga kabataan at mga batang taga-Tondo na makamit ang pangarap nila sa buhay at sa mga magulang naman ng mga bata, sinabi niya na sana ay huwag nilang pabayaan ang kanilang mga anak at suportahan at gabayan lamang nila ang mga ito sa daang nais nitong tahakin.

“Kung nagawa ko, kaya niyo ring gawin, mga bata. Sa mga magulang, na nandidito naman, kayo, mga nanay at tatay, huwag na huwag kayong bibigay, pahalagahan ninyo ang inyong mga anak.”

Dagdag pa niya,

“Huwag kayong bibigay sa kakulitan ng inyong mga anak. Dahil ang mga bata, kaya tinawag na mga, ay dapat gabayan ng mga matatanda. At sinong unang magmamalasakit sa kaniya? Pamahalaan? Hindi. Ang kaniyang mga magulang.”

“Kaya pairalin niyo pa rin, kahit anong hamon sa buhay,  hamon sa hirap sa buhay, pairalin niyo pa rin ang tunay na pagmamalasakit sa inyong mga anak.”

“Kaya kung inyong mga anak ninyo ay nagpupursige, maigi lamang na sabayan ninyo ang inyong mga anak na magpursige din.

“Maaaring hindi niyo sila mabigyan ng kagaanan sa buhay, pero yung mairaos niyo lang sila. Malaking bagay na sila yon.”

Hiling din niya sa mga taga-Tondo na ipakita na ang mga naninirahan dito ay mayroong disiplina at ipakita din sa ibang tao na sila ay mayroong mataas na pangarap.

Panoorin ang kabuuang mensahe ni Mayor Isko:

inspirational message ni yorme

YORME ISKO POWERFUL MESSAGE TO ALL FILIPINO'S | "Magsikap kayo itong kalye na to, kalye na araw araw dinadaanan ko tagaktak ang pawis ko. Sinong mag aakala isang basurero, isang sidecar boy katulad ninyo pwede palang maging alkalde ng lungsod ng maynila"CTTO

Posted by Paolo Duterte Supporters on Tuesday, November 5, 2019

Recommended For You

About the Author: root