Mayor Isko Moreno pinasalamatan ang kaniyang mentor na si Kuya Germs: “Maraming salamat po sa lahat ng naitulong at naituro n’yo”

Isa sa mga nagustuhan ng mga netizen kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang kaniyang ugali at pagiging epektibo sa lungsod ng maynila.

Kahit na hindi na aktibo si Mayor Isko Moreno sa pag-aartista at ngayon ay busy sa kaniyang tungkulin bilang alkalde ng Maynila, Hindi pa rin nakakalimutan ni Isko Moreno ang kaniyang pinagmulan at sa mga tumulong sa kaniya at gumabay noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz industry.

At sa kaarawan ni “Master Showman” na si German “Kuya Germs” Moreno, hindi kinalimutan ni Isko Moreno ang batiin at alalahanin ang itinuturing niyang ama at mentor niya sa showbiz industry.

“Happy birthday, Kuya Germs! Maraming salamat po sa lahat ng naitulong at naituro n’yo sa akin at sampu ng mga kasamahan ko sa That’s Entertainment!” sabi ng alkalde ng maynila sa kaniyang facebook post.

Matatandaan na napaluha si Mayor Isko Moreno ng mabanggit ang pumanaw na si Kuya Germs sa isang panayam sa kaniya at hindi niya maiwasang maging emosyonal at maluha.

“Kasi mga 200 plus kaming mga bata sa That’s, ‘di ba. Ever since lagi siyang naka-focus sa akin.” saad ni Isko Moreno.

“Hindi ko po mabigyan ng sukat o sapat na timbangan o halaga ‘yong binigay na pagkakataon sa akin ni Kuya Germs, If not for that…wala ako sa harapan n’yo ngayon. Malamang basurero pa rin ako.” dagdag pa nito.

Source: Isko Moreno Domagoso

Recommended For You

About the Author: root