Mga plastic! PBB Winner Keanna Reeves slams ABS-CBN supporters: “Why you always blame our President everytime?”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media at pati narin ng mga dyaryo ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaan na nabigo ang ABS-CBN o Kapamilya network na makakuha ng panibagong prangkisa dahil narin sa kanilang paglabag umano sa batas ng bansa.

Kaya naman marami ang bumatikos sa mga kongresista lalo na sa mga bumuto upang hindi na hayaan makakuha ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sinisisi rin ng mga ilang taga suporta ng ABS-CBN si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano siya ang may pakana ng pagsasara ng ABS-CBN.

Kaya naman hindi napigilan ng Pinoy Big Brother Winner na si Keanna Reeves na kilalang isang taga suporta ni Pangulong Duterte.

Ayon pa sa social media post ni Keanna Reeves, hindi dapat umano sisihin ng mga taga suporta ng ABS-CBN si Pangulong Duterte dahil hindi umano kasalanan ng Pangulo na lumabag ang naturang estasyon sa batas ng bansa.

“I am PROUD and LOUD that I am a solid Duterte supporter (DDS) and it is my POLITICAL VIEWS!” Reeves said “But it doesn’t mean that I’m happy for those ABS-CBN employees who lost their jobs. What makes me angry is WHY you always blame our Pres. every time??? Since then I always defend my Pres. and I will always “STAND” my PRIDE and my BELIEFS!!!” saad pa ng aktres.

“Hindi ako kagaya ng iba dyan, kung saan makinabang dun din sila or yong iba dyan PLASTIC!!!!” dagdag pa nito.

Ayon pa sa aktres, ang mga bumabatikos umano ngayon sa Pangulo ay ang mga taong sumasakay lang sa isyu upang siraan ang administrasyong Duterte.

“Ok lang naman kung mag criticize kayo sa gobyerno, “its your right” kung talagang may pinaglalaban kayo! Halata namang wala talaga kayong pinaglalaban. Mula ng nakaupo si Duterte, lahat ng issue sinasakyan n’yo para lang kay Duterte n’yo agad ibabato!” saad pa nito.

“Ang gusto n’yo lang talaga ay ayaw n’yo lang kay Duterte kaya kahit ano pa man, isa lang ang interest n’yo ay ang KALABANIN at KONTRAHIN si DUterte!!!” dagdag pa ni keanna reeves.