Miss Universe Catriona Gray dinepensahan ang mga nag protesta na walang permit

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa nangyaring pagka aresto sa mga nag protesta sa Mendiola.

Inaresto ng mga kapulisan ang mahigit 20 na miyembro ng Metro Manila Pride isang LGBT group dahil sa kanilang pagproprotesta sa Maynila.

Agad naman kinundina ng grupo ang ginawang pagaaresto sa kanilang mga miyembro na kung saan sinabi nila na sinunod ng mga nag proprotesta ang social distancing para protektahan ang isa’t isa sa kumakalat na sakit.

“Maayos, mapayapa at sumusunod sa patakaran ng social distancing ang ginanap na pagkilos; sa kabila nito, 20 na indibidwal ang pilit na inaresto ng kapulisan bandang 10:30 ng umaga… Hindi makatarungan ang pag-arestong ito at idinidiin ng Metro Manila Pride ang pagkundena sa karahasan ng militar at kapulisan, lalo na sa mga marhinalisadong komunidad at mga aktibista,” saad pa ng grupo.

Kaya naman agad na dinepensahan ni Miss Universe Catriona Gray ang mga nagprotesta lalo na sa mga inarestong rallyista na kung saan sinabi nito na parang sinisikil na umano ang karapatan ng mga tao.

“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #pride rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested. If proper health guidelines were being followed, why the use of force? Why the withholding of rights? Videos circulating online confirm this,”

“We have the right to raise our voice. Pride, since the beginning has been a protest. Now is the time to speak up,” dagdag pa nito.

Ayon naman sa DILG Usec. RJ Echiverri, wala umanong permit ang mga nag protesta kaya isa umano itong paglabag, at wala umanong mabuting social distancing na isinagawa ang mga nagproprotesta.

“Hindi naman tinatanggal iyan (free speech) pero ang sinasabi natin, always look at the public welfare. Tama lang ang ginawa ng mga pulis because number one, they don’t have a permit so why are they staging a rally? Second, there is no proper social distancing. Third, again there is a proper venue to raise this issue and not during COVID time,” saad pa ni DILG Usec Echiverri.