Mocha Uson Blog binatikos ng netizen matapos niyang atakihin ang Mayor ng Pasig, BASAHIN!

Matatandaan na naging viral sa social media ang naging pahayag ng alkalde ng Pasig na si Vico Sotto na kung saan sinabi nito na sana ay payagan ng pamahalaan na makapag-operate ang mga tricycle sa kanilang lungsod.

“Nagdadasal din po ako na ‘wag pigilan ng nasyonal na pamahalaan ang pag-operate ng mga tricycle- dahil nakikita po natin sa ating risk assessment na mas delikado ang public health situation kung pagbabawalan ang lahat ng tricycle.” pahayag ni Mayor Vico Sotto.

Agad naman ito sinagot ng Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson na si USEC Jonathan Malaya na kung saan sinabi nito na dapat maging creative umano ang alkalde ng Pasig sa pagreresolba ng problema kagaya na lamang ng ibang alkalde sa Metro Manila.

“Now, if other LGUs in Metro Manila can shuttle their health care workers, why can’t Pasig? We appeal to Mayor Vico to be more creative in dealing with this problem just like the other Metro Manila mayors.” sagot ni USEC ng DILG.

Dahil sa naging pahayag ni Mayor Vico Sotto, agad na tinawag ng isa sa mga admin ng Mocha Uson Blog na isang ‘Pabebe’ ang alkalde.

Sa facebook post ni Banat By, ipinaliwanag nito kung bakit sablay umano ang pagpapabebe ng alkalde.

“Eto yung sinasabi ko eh. Kaya ng ibang lugar bakit eto si Mayor Sotto pabebe ang daming hanash? Bukas paguusapan natin ito. Papaliwanag ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto” wika ni Banat By na isang admin sa Mocha Uson Blog.

“Pero ang appeal ko sa DILG bakit parang kayo pa ang nakikiusap sa Mayor? Apply the LAW and be strict parang walang PANDEMIC ah” dagdag pa nito.

Dahil sa naging pahayag na ito ni Banat By ng Mocha Uson Blog, agad ito binatikos ng mga netizen at nagsagawa ng tweet na “Protect Vico”.

May iba pang mga netizen ang nanawagan na dapat ipasara na lamang ang facebook page ni Mocha Uson na ngayo’y Deputy Administrator ng Overseas Worker Welfare Association.