Modelo binalaan si Jay Sonza na kakasuhan matapos siyang idawit sa pagsasara ng mga Club

Naging viral sa social media ang isang facebook post ng batikang journalist na si Jay Sonza matapos nitong kwestyunin kung bakit marami ang nalulungkot sa pagsasara ng ilang cl1b.

Ayon sa facebook post ni Jay Sonza marami umano ang nalulungkot sa pagsasara ng mga ilang cl1b na kilala tulad na lamang ng P3gasus,Heartbeat at Air F0rce One kaysa sa pagsasara ng ABS-CBN.

“Bakit ganoon, mas madami ang nalulungkot sa napapabalitang pagsasara ng P3gasus, Heartbeat at AirF0rce One kaysa tuluyang pagsara ng abs cbn kapamilya network?” saad pa ng batikang mamamahayag.

Matapos maging viral ang facebook post na ito ni Sonza, umabot ito sa isang modelo na isinama ni Sonza sa kanyang facebook post.

Nanawagan si Khaye Dee kay Jay Sonza na kung maaari ay burahin niya ang kanyang facebook post dahil wala umano siya kinalaman sa mga naturang cl1b na binanggit ni Sonza.

Binalaan rin ng Khaye Dee ang batikang mamamahayag na kakasuhan nito ng Cyb3r b*llying kung hindi niya buburahin ang naturang facebook post.

“Mr. JAY SONZA pakibura yang post mo FYI hindi po ako nagwowork sa pegasus wala katotohanan yang nka collage jan!!! Pwede kita idemanda ng B*LLY1NG!!” saad pa ni Dee.

Paglilinaw ni Dee, pawang ang face mask lamang ang kanyang iniindorso at wala siyang kinalaman sa mga nabanggit na cl1b ng mamamahayag.