“Mortal Sin” Angel Locsin pinagsisihan ang pag endorso kay Koko Pimentel

Kamakailan lang ay naging viral sa social media si senador koko pimentel matapos nitong pumasok sa isang ospital kahit na isa siyang Person Under Investigation (PUI).

Binatikos siya ng mga netizen matapos umano nitong lumabag sa home quarantine protocol ay pumasok sa isang ospital kasama ang kanyang asawa na manganganak.

Dahil dito, agad na nagsalita ang aktres na si Angel Locsin na kilala sa isa sa nag-endorso kay koko pimentel noong nakaraang halalan.

Sa isang twitter post, ibinahagi ng isang netizen ang video clip ng pag endorso ni Angel Locsin sa senador, agad naman ito nakita ng aktres at nag tweet ng “Eww”.

Inilarawan rin ng aktres ang pag endorso nya sa senador na isang “mortal sin” at ipinaliwanag na nakumbinsi lamang umano siya na gawin iyon dahil sa kanyang kamag-anak na dating asawa ni Pimentel.

“Yes. Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko,” pagpapaliwanag ng aktres sa kanyang tweet.

“Naka-ilang eleksyon na rin naman pong hindi naulit,” dagdag pa nito.

Agad naman humingi ng paumanhin ang mambabatas dahil sa kanyang ginawa na pagpasok sa isang ospital.

“Humihingi na lang po siguro ako ng understanding. Siyempre kahit sino namang tao, ama ay magiging excited. Hindi ko naman po alam,” saad pa ng senador.

“Nag-disinfect naman ang ospital so tama naman po ‘yong ginawa nila,” Pimentel said. “Umalis agad ako sa ospital, that is my duty.” dagdag pa nito.

HomeLocal News“Wag kayo matakot” Sen. Koko Pimentel binanatan ang mga bumabatikos sa kanya
“Wag kayo matakot” Sen. Koko Pimentel binanatan ang mga bumabatikos sa kanya
By root March 26, 2020 Local News 0 Comments
Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang ginawang paglabag ni Senador Koko Pimentel sa pagiging Person Under Investigation (PUI).

Binatikos ang mambabatas dahil sa pagpasok nito sa ospital ng Makati Medical Center upang samahan ang kanyang asawang manganganak kahit na siya ay PUI sa coronavirus (COVID-19).

Kahapon lamang ay naglabas ng pahayag ang senador tungkol sa pagiging isa sa nagpositibo sa COVID-19, ayon sa kanya hindi naman daw siya umubo kaya wala umanong dahilan ang mga tao upang matakot sa kanya.

“Una sa lahat, yung home quarantine ko is the general quarantine nating lahat. Kung non-essential movement, huwag na tayong gagalaw. E wala naman akong positive test noon at manganganak ang misis ko,Sino ang sasama sa manganganak na misis kundi si mister?” pahayag ng senador.

“Una sa lahat, hindi naman ako umuubo so hindi ako nakakalat ng droplets. Wala ako ubo so ‘wag masyado matakot,”

“Understand ko ‘yong natatakot pero ‘wag masyadong mag-discriminate kasi ngayon ko nararamdaman ‘yong discrimination actually,” dagdag pa nito.