“Naawa ba kayo?” – Former ABS-CBN host to his former network

Hindi maikakaila na usap-usapan ngayon sa social media ang usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na kung saan ay nanganganib itong hindi ma-renew.

Kaya naman maraming kilalang personalidad na ang nagbigay ng kanilang komento at nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang estasyon.

Ngunit maraming netizens rin ang tila natutuwa sa nangyayari ngayon sa naturang estasyon na kung saan ay mas ninanais nilang tuluyang mapasara ang ABS-CBN.

Kaya naman sa isang facebook post ng dating tv host ng ABS-CBN na si jay Sonza, tinanong nito ang naturang estasyon kung bakit sila karapat dapat na suportahan ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Sonza, Sa paghingi ngayon ng suporta ng ABS-CBN sa mga Pilipino ay hindi nararapat dahil hindi umano sila naawa na tanggalin ang mga libo-libong manggagawa na kanilang sapilitan na tinanggal at kinasuhan.

“ABS-CBN. You’re asking for understanding, support and sympathy?”

  1. Naawa ba kayo sa libong kawani na sapilitan ninyong tinanggal sa trabaho at kinasuhan pa?
  2. Naawa ba kayo sa 104M Pilipino na kinakailangang balikatin ang pagbabayad sa inyong inutang at panunuba sa DBP/gobyerno?
  3. Naawa ba kayo sa halos 10K empleyado na hindi nyo binibigyan ng social amelioration tulad ng SSS, PhilHealth, at Pagibig Fund tulad ng ipinag-uutos ng mga Batas?
  4. Paano namin iintindihin ang hindi ninyo pagbabayad ng tamang mga buwis at kaukulang bayarin in the amount of billions of pesos?

Ang facebook post na ito ni Jay Sonza ay umani na ng mahigit 8,000 reactions at mahigit 8,000 shares.

Umani naman ng iba’t-ibang reactions ang facebook post na ito.

“Naging considerate din ba sila sa mga Pilipinong na-uto at naligaw ng landas/direksyon dahil sa mga mali maling impormasyon na inilalabas at baluktot nilang pagbabalita? Tama lang na mapasara sila ASAP para mabigyan ng katarungan yung mga paglalason nila sa isip ng mga Pilipino.” sabi pa ng isang netizen.

“Masarap kumingkin ng kita… pero pagbayaran na para kay Juan at sa kaban ng Bayan… pinipigilan na ang pera na makalabas… at kinalimutan na ang mga tungkulin. Parang hindi patas ang negosyo nato… may katulad gaya ng mga water utility companies… ang mga Filipino Oligarchs lang ang yumayaman na nagsamantala sa interes ng Bayan. Dapat ihinto at iparasa na ng tuluyan!” sabi pa ng isang netizen.