NaDturtleKaNaBa? Teddy Corpuz lambasts Pres. Duterte: “Babalikan ka raw pero hindi pala”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang kakatapos lang na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging usap-usapan sa social media ang naging ikalimang SONA ng Pangulo dahil panay batikos ang inabot nito mula sa mga kritiko at sa ilang mga kilalang artista.

Ayon sa mga ilang bumabatikos sa Pangulo ay wala umanong ibinigay na plano si Pangulong Duterte upang labanan ang lumalalang pandemya sa bansa.

Isa na nga jan si ‘It’s Showtime’ host at musician na si Teddy Corpuz na kung saan binatikos nito ang Pangulo dahil inuna pa umano nito ang parusang kamatayan kaysa sa plano upang labanan ang pandemya sa bansa.

“Luh lakas nang kulog at ayan nagsisimula nang umulan. Pati kalangitan hindi naniniwala sa mga pinag sasasabi sa #SONA2020.” sabi pa ni Teddy Corpuz sa kanyang social media accounts.

“D3ath p3nalty for drg related cr1mes. Eh pano kung Hulihin ka because of anti-terr0r bill tapos taniman ka nang drga sa bulsa or bahay mo? Edi d3ads ka na. Jusko alam na namin saan to pupunta susme!”

“D3ath p3nalty ang sinusulong. May pandemic oh ser! MAY PANDEMIC! Sagip buhay muna para sa pandemya atupagin bago yan. SAGIP BUHAY muna daming apektado puro pag patay lang nasa isip. Nung klase yan!” dagdag pa nito.

Binatikos rin ni Corpuz ang naging pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga Lopezes, sinabi rin ng host na isa umano itong patunay na lumalabas na ang tunay na kulay ng Pangulo.

“Ayun deny pa nang deny mga spokes personnel mo and your camp na ‘neutral’ ka sa isyu nang ABSCBN yun pala manggagaling din sa bibig mo. Your SONA just confirmed your true dark intentions. Thanks TheTurtle.” saad pa nito.

“Sabi nung BF or GF mo babalikan ka niya, pero hindi naman pala. #NaDturtleKaNaBa” saad pa ni Teddy sa kanyang twitter account.

“Nangako siyang paninidigan at ipaglalaban ka niya nung nanliigaw pa lang. Mag jetski daw siya papunta sa tatay mo. Pero nung makuha na nya gusto niya sayo bigla siyang naging inutil,” dagdag pa nito.

Source: Instagram