Nag-isip ka sana! Francis Leo Marcos rumesbak sa nilabas na video ni baron geisler tungkol sa kanya

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang isang video na inilabas ng aktor na si Baron Geisler tungkol kay Francis Leo Marcos.

Matatandaan na tinawag ni Geisler ang Businessman na si Francis Leo Marcos na isang ‘delusi0nal’ dahil umano sa pagpapauso nito ng ‘Mayaman Chall3nge’.

Sinabi rin ng aktor na hindi nakakatuwa ang mga banat at mga pakulo ng nagpakilalang Marcos, at ayon pa sa aktor makukulong rin umano si Marcos kalaunan.

Ayon pa sa aktor, pwede naman umanong tumulong sa kapwa at wala umanong masama dito, ang hindi lang umano nakakatuwa at maganda ay ipinalalandakan ni Marcos ang kanyang nagagawa sa publiko.

“Francis Leo Marcos, na hindi ka tunay (na Marcos)… nakakahiya kang tao, you are delusional, siguro humingi ka ng dispensa eventually, makukulong at makukulong ka eventually, ang kagandahan lang nito, oo nakakatulong ka pero pwede namang gawing tahimik at hindi puro yabang, kasi marami tayo diyan hindi lang ikaw ang tumutulong, may mga tahimik na taong tumutulong,” saad pa ng aktor.

Kaya lamang umano ito ginagawa ni Francis Leo ay upang mapansin siya ng kilalang Marcos clan kaya todo ang pagpapakitang gilas nito.

“Nakakadiri ka, sa mga taong katulad namin na lahat pantay pantay pero pinapakita mo na magbibigay kami ng bigas, magbibigay kami ng ganito… mahiya ka sa kaluluwa mo, hindi lang naman ikaw ang gumagawa niyan dahil marami, at yung mayaman chall3nge is a delusi0nal attempt to make you popular,” dagdag pa ng aktor.

“It’s d1sgusting as a human being to watch you, do that to people who are having a hard time right now so you’re just using their w3aknesses now so you can be popular, you are a d1sgusting, d1sgrace to the Marcoses and to the Filipinos,” saad pa niya.

Ang naging pahayag na ito ng aktor ay ikinadismaya ni Francis Leo Marcos at agad na rumesbak sa mga binitawan na salita ng aktor.

“Sana naman nag isip ka kung kinakailangan mo ng tulong hindi mo ko pwedeng daanin sa ganyan. Isa hamon ko sayo hindi mayaman chall3nge. kasi alam ko wala ka naman maitutulong sa mga kababayan natin.” saad pa ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos, sana inayos na lamang umano ng aktor ang kanyang itsura bago humarap sa camera at bumatikos ng mga taong tumutulong sa kapwa pilipino.

Nilinaw rin ni Marcos na hindi niya sinasakyan ang COVID19 sa bansa para lang sumikat dahil tuwing may kalamidad na kinakaharap ang bansa, lagi umano siya tumutulong.

Francis Message to Baron Geisler

FRANCIS HINDI NAGUSTUHAN ANG GINAWA SA KANYA NI BARON GEISLER | Hindi natuwa si FLM sa nilabas na video ni baron geisler tungkol sa kanya.Credits to Sir Francis

Posted by Paolo Duterte Supporters on Monday, May 4, 2020