Naglabas ng pahayag ang paaralan na kung saan nagtuturo ang viral na guro na bumastos sa litrato ni Pangulong Duterte

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa paghahalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar na kung saan nangyari ang pagsabog sa Jolo.

Ngunit imbis na magbigay ng respeto sa ginawa ng Pangulo, ginawa itong katatawanan at binastos ng isang guro na si Laarni Villaluz na kung saan binago at inedit nito ang larawan ng Pangulo.

Maraming mga netizens at taga suporta ng Pangulo ang nainis at nagalit sa ginawang pamababastos ng isang guro sa larawan ng pangulo.

Inulan rin ng reklamo ang paaralan na pinagtatrabahuan ng viral na guro sa Lucena City na kung saan naglabas ng pagkadismaya ang mga nag-aalalang magulang para sa kanilang mga anak.

Kaya naman nagsalita na rin ang paaralan na Maryhill College, Incorporated sa Lucena City na kung saan nagpahayag rin ito ng kanilang pagkadismaya sa ipinakitang asal ng kanilang guro na si Laarni Villaluz.

Ayon pa sa naging pahayag ng skwelahan, hindi umano nila kinokonsente ang maling asal na ipinakita ng kanilang guro na si Laarni lalo na sa Pangulo ng bansa.

Ang ipinakita umano ni Laarni ay taliwas sa kanilang itinuturo sa kanilang paaralan.

“We deeply regret the recent incident being attributed to one of our school teachers relatively to an online post that has gone viral depicting the President of the Republic of the Philippines in a disrespectful and distasteful manner. The Maryhill College, Inc. does not and will not countenance any act – contrary to law, morals or public policy – by any of its personnel,” saad pa sa kanilang opisyal na statement.

“As a Catholic Marian Institution, we reiterate our school’s commitment to promote and uphole our core values – particularly the practice of the Marian virtues such as humility, charity, and respect for persons. In line with the Catholic Church’s teachings, we work relentlessly to inculcate among our employees and students the value of conducting their daily affairs with integrity and in accordance with Christian moral principles,” dagdag pa nito.

Nangako rin ang Maryhill College sa netizen na inaksyunan na nila ang nangyaring insidente.

“We wish to assure everyone that the school administration has already initiated the appropriate administrative action in relation to this matter.”