Nagulantang sila!: Retired broadcaster on Quo Warranto vs ABS-CBN: “Nasa bingit sila ng kumunoy”

Hindi maikakailan na usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN TV network na kung saan ay nanganganib ito na hindi ma-renew.

Kaya naman sa facebook post ng dating broadcaster na si Jay Sonza, inilarawan nito ang sitwasyon ngayon ng naturang estasyon at tinawag na “The Mouth of Hell (Sa Bingit Ng Kumunoy”.

Ayon kay Jay Sonza, alam umano ng ABS-CBN na mag eexpire na ang kanilang prangkisa, at alam din umano nila na hindi ito basta basta makakalusot sa Kongreso at lalo na sa Pangulo.

Pero hindi umano nabahala ang naturang estasyon dahil alam nilang mas madaling ayusin ang NTC para sa kanilang provisional permit to operate.

Ngunit, ang inihain ng Office of the Solicitor General na Quo Warranto laban sa naturang estasyon ang nag bigay umano sa estasyon ng malaking problema.

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

The Mouth of Hell
(Sa Bingit Ng Kumunoy)

Hindi bobo ang abs-cbn, lalo na ang mga Lopez
Alam nilang aabutan ng expiry ang kanilang prangkisa.
Alam nilang hindi lulusot ito sa Kongreso at sa pangulo.
Pero, hindi sila nababahala kung iyong lang ang problema.
Mas madaling ayusin ang NTC para sa kanilang provisional permit to operate. Malawak ang kanilang karanasan dito or so they thought.
Sanay sa gapangan at patraydor na lakaran ang mga Lopez.

Subalit, ngunit, dadapuwat iba ang Quo Warranto petition ng Office of the Solicitor General.

At dito sila NAGULANTANG. dito nangatal ang kanilang mga labi, nanginig ang tuhod at umakyat ang bayag ni Gabby sa may lalamunan,
sampu ng kanyang mga kapamilya.

First of its kind ito against them. Wala silang template kung paano ang gagawing diskarte o aayusin kahit pailalim.

Ang mga kalaban ay ubod ng bigat. Hindi pa natatalo kahit minsan, at nitong huli, mismong Chief Justice ang pinatanggal sa puwesto sa pamamagitan ng makapanindig balahibong QUO WARRANTO.

Sila ay inihabla ng paglapastangan sa Saligang Batas at panggagahasa sa iba pang batas at alintuntunin ng Republika ng Pilipinas.

But what really pales them to death is the thought that if they lose the case (by the way, the case against them is said to be air tight), it would mean hell for them.

They will be facing mounting law suits for fiscal recoveries, multiple estafa cases which are non-bailable. Underground financial gods and demigods are not gentle on those who they feel double crossed them.

Sa madaling salita, nasa bingit sila ng kumunoy! and they only have themselves to blame. Why? Because they chose to employ the mouth of hell, instead of singing Lullaby for Rody.