Nakahanap ng katapat! Atty. Ferdinand Topacio hinamon si Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng mag ina na si Sharon Cuneta at ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Ito’y kasunod na rin sa banta ni Sharon Cuneta na kakasuhan ang isang netizen dahil sa naging pahayag ng netizen laban sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Kaya naman, agad na bumanat at hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio si Sharon Cuneta sa isang legal battle matapos nitong magkomento laban kay Senador Kiko Pangilinan at sa kanyang babaeng anak na si Frankie Pangilinan.

“Ate Shawie, since the SOJ (Secretary of Justice) is your friend, SUE ME! BRING IT ON!” saad pa ni Atty. Topacio.

Hindi matiis ni Atty. Topacio na mag komento sa naging pahayag ni Frankie laban sa dating Chief Justice Renato Corona.

Matatandaan na nitong June 25, inilabas ni Frankie sa kanyang social media accounts ang kanyang naging komento sa impeachment trial ni CJ Corona.

“I personally think he’s guilty. He certainly looks tired, the chief justice is lying. I’m 95% sure of this,” saad pa ni Frankie.

“Hi, Kaki Pangilinan. Read your notes on CJ Corona that you saw fit to publicize. Here are my notes on your father: Sen. Pangilinan is a lousy lawyer who couldn’t even win as kapitan till he married your mom and exploited her popularity,” resbak ni Atty. Topacio sa isinulat ni Frankie.

“He can’t hold a candle to your mom’s first and greatest love Gabby, who remains dashing until now. If I were 12 years old, I’d b*tch-slap you and say F.U. for your rudeness to a dead, great man,” dagdag pa nito.