Nakakahiya ka! Baron Geisler sinupalpal si Francis Leo Marcos dahil sa Mayaman Challenge: “Makukulong at makukulong ka eventually

Naging viral sa social media ang naging pahayag ng aktor na si Baron Geisler kay Francis Leo Marcos, matapos nitong tawaging ‘delusi0nal’.

Tinawag rin ng aktor ang ‘Mayaman Chall3nge’ na isinagawa ng businessman na si Francis Leo Marcos na ‘not funny’.

Ayon pa sa aktor, hindi umano nakakatuwa ang mga banat ng nagpakilalang Marcos, at kalaunan ay makukulong rin umano ito.

Sinabi rin ng aktor na pwede umanong tumulong sa kapwa at wala umanong masama dito, ang hindi lang umano maganda ay ipinalalandakan ni Marcos ang kanyang nagagawa sa publiko.

“Francis Leo Marcos, na hindi ka tunay (na Marcos)… nakakahiya kang tao, you are delusional, siguro humingi ka ng dispensa eventually, makukulong at makukulong ka eventually, ang kagandahan lang nito, oo nakakatulong ka pero pwede namang gawing tahimik at hindi puro yabang, kasi marami tayo diyan hindi lang ikaw ang tumutulong, may mga tahimik na taong tumutulong,” saad pa ng aktor na si Baron Geisler.

Kaya lamang umano ito ginagawa ni Francis Leo ay upang mapansin siya ng kilalang Marcos clan kaya todo ang pagpapakitang gilas nito.

“Nakakadiri ka, sa mga taong katulad namin na lahat pantay pantay pero pinapakita mo na magbibigay kami ng bigas, magbibigay kami ng ganito… mahiya ka sa kaluluwa mo, hindi lang naman ikaw ang gumagawa niyan dahil marami, at yung mayaman chall3nge is a delusi0nal attempt to make you popular,” dagdag pa ng aktor.

“It’s d1sgusting as a human being to watch you, do that to people who are having a hard time right now so you’re just using their w3aknesses now so you can be popular, you are a d1sgusting, d1sgrace to the Marcoses and to the Filipinos,” saad pa niya.

Binatikos rin ng aktor ang Barangay chairman sa Barangay 413, Sampaloc Manila na si Andrew ‘Kanto Boy’ Lopez dahil sa pagiging parte umano nito sa ginagawang mayaman chall3nge ni Marcos.

“Pare wala akong respeto ‘sayo kahit kumpare kita, nakakahiya ka bilang chairman o ano man, nakakahiya ka, for being part of that,” saad pa ng aktor.

“Ayusin niyo yung character niyo, pakainin niyo yung mga tao ng walang halong yabang,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Geisler, ang mga sumasali umano na pulitiko sa ‘Mayaman chall3nge’ ay para maging popular sila at makahakot ng supporters para sa kanilang intensy0n sa susunod na eleksyon.