NBI iniimbestigahan ang mga umanoy nagbibigay ng bigas para makahikayat ng mayayamang tao

Inanunsyo ng National Bureau of Investigation na pinapaimbestigahan na nila ang iba’t ibang uri ng scam na ginagamit ngayong kasagsagan ng COVID19.

Ayon sa NBI, marami umano ang nanamantala sa panahon ng crisis ngayon dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa bansa.

Sinabi rin ni Victor Lorenzo, head ng NBI Cybercri1me division na ang isang paraan ng mga scammers para makapagsamantala sa kapwa pilipino ay ang ipakita ang kanilang mga tinutulong sa publiko tulad ng pagbibigay ng bigas at hamunin ang iba pang pilipino.

Ayon pa kay Lorenzo, ang istilong ito umano ay isang paraan ng mga nagsasamantala upang maka-konek sila sa mga mayayamang tao at hikayatin ang mga ito na mag donate sa kanilang foundations.

“Ang daming malilikot ang utak ngayon, kasi ngayon yung mga scams, ‘yung mga phishing dumadami… may mga nagpo-project pa nga dito na kunwari ay namimigay sila ng mga bigas tapos ay icha-challenge nila yung isang class ng society para mag donate din, ‘yun pala ang end goal is to ask for donations na itatago niya rin pala at hindi ipamimigay,” sabi pa ni Lorenzo.

Agad na tinanong ng radio program na si Arnold Clavio kung ang tinutukoy ni Lorenzo ay si Francis Leo Marcos na kilala sa pagbibigay ng mga bigas at hikayatin ang mga iba pang mayayaman na tao na tularan siya.

“Ganoon kasi ‘yung style niya, challenge… mayaman challenge diba?” saad pa ni Clavio.

Hindi ito derektang sinagot ni Lorenzo, at sinabi nalamang nito na iniimbestigahan nila ang lahat ng mga scammers, ayon pa kay Lorenzo, ang mahuhuli at mapapatunayan nilang suspek na nagsasamantala sa kasagsagan ng COVID19 ay mapapatawan ng 6 years to 12 years of detention.

Tinawag rin ni Clavio ang mga nagpapakitang gilas at nagpapasikat lng sa kasagsagan ng COVID19 na ‘KSP’.

Agad naman binatikos ng mga taga suporta ni Marcos ang naging pahayag na ito ni Arnold Clavio at pinagbintangan na siya ang may pakana kaya iniimbestigahan ang businessman.