Netizen sinagot ang tanong ni Robredo kay Pangulong Duterte: “Kung magpapakitang gilas rin lang, galing galingan na”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na bumwelta si Pangulong Rodrigo Duterte kay Robredo dahil sa pambabatikos na ginagawa nito at lalo na ng mga oposisyon sa mga proyekto na isinasagawa ng pamahalaan.

“Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat,” saad pa ng Pangulo.

Nagbigay ng solusyon si Robredo sa social media kung papaano umano labanan ang pandemyang kinakaharap ng bansa.

Kaya naman hindi maiwasan ng isang kilalang blogger na si MJ Quiambao Reyes na batikusin si Robredo dahil sa ibinigay niyang solusyon umano.

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

MEM NAMAN!

1. Nabasa o nauunawaan n’yo po kaya ang 4 na puntos na binanggit n’yo sa baba? Kasi malinaw sa amin na ang lahat ng yan ay matagal ng nasimulan at patuloy na ginagawa ng gobyerno. Kayo na lang po yata at ng iilan n’yong kasamahan ang hindi pa nakakaalam. 

2. Hindi dahil ospital, kama, at bakuna lang ang nabanggit ng Pangulo ngayon ay yung lang ang ginawa at wala ng iba pa.

3. Hindi tama na ang mga bagay na nasabi na ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga bagay na nagawa na o ginagawa na nila ay palabasin nyo na hindi pa nagagawa dahil lang sa hindi nabanggit kanina o hindi lang inuulit ulit ng Pangulo.

Basa basa rin po, Mem, pag may time para di ka po outdated. Mas maganda siguro na makipag ugnayan at maki-pagtulungan sa gobyernong inyong kinabibilangan. Wag naman puro na lang puna at tuligsa. At kung magbibigay po sana kayo ng suhestiyon ay yun naman po’ng bago–hindi yung nagawa na o kasalukuyan ng ginagawa.

Also, we had enough of those broad, general, & motherhood statements fr you. Kung magpapakitang gilas rin lang, galing galingan na and be more specific. Lay out some measurable, do-able, detailed plan outlining actions/activities along with estimated costs & schedule. Ganern!

For once, Mem, bigyan nyo po kami ng pagkakataong matuwa sa inyo sa halip na matawa o mabahala.

MEM NAMAN!1. Nabasa o nauunawaan n'yo po kaya ang 4 na puntos na binanggit n'yo sa baba? Kasi malinaw sa amin na ang…

Posted by MJ Quiambao Reyes on Monday, September 21, 2020