Nikki Valdez may mensahe kay Pangulong Duterte: “Nakita namin ang kasimplehan mo na kahit presidente ka ay abot na abot ka ng mga tao, pero….”

Viral ngayon sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng Kapamilya aktres na si Nikki Valdez na kung saan inilabas nito ang kanyang pagkadismaya sa Pangulo.

Matatandaan na tuluyan ng nagsara ang ABS-CBN matapos hindi bigyan ng kongreso ng panibagong prangkisa ang Kapamilya network dahil na rin sa mga paglabag sa batas.

Sa social media post ni Nikki Valdez, inamin nito na isa siya sa mga bumuto kay Pangulong Duterte noong 2016 dahil isa umano si Duterte sa mga may katangian na mamuno sa bansa.

“Mula nang ako’y naging registered voter, sinigurado kong gamitin ang boto ko para magluklok ng mga pulitikong tingin ko ay makakabuti at gagawa ng mabuti para sa ating bansa,” saad pa ni Valdez.

“At noong 2016, oo binoto kita Pres. Duterte pati ang pamilya ko. Sa paniniwalang magkakaboses ang maliliit na tao na sinasabi mo noon na dadamayan mo. Nakita namin ang kasimplehan mo na kahit presidente ka ay abot na abot ka ng mga tao. Nakita namin ang political will mo,” dagdag pa nito.

Kahit na puro batikus umano ang kinaharap ni Duterte noong kasagsagan ng eleksyon, tuloy parin ang pagsuporta nito.

“Ni hindi nga namin pinuna ang pagmumura mo. Lagi ko sinasabi sa sarili ko tao ka lang. Nagkakamali. Pero makalipas ang 4 na taon ng pagsubaybay sa mga ninais mo para sa bansa, ano po ang nangyari?”

“Ultimo ang Santo Papa, minura mo, pinagsalitaan ng kung ano ano, nawala ang respeto mo sa mga kababaihan kahit may mga anak kang babae, inuna mo ang personal na galit at paghihiganti kaya ganon na lamang ang kawalang bahala mo sa mga totoong pangangailangan at problema ng ating bayan,” saad pa nito.

Ngunit makalipas ang apat na taon, nakikita na umano ni Valdez ang mga kapalpakan na ginawa ng adminitrasyon ni Duterte dahil hinayaan niya umano makapasok ang COVID sa bansa.

“Bakit di mo agad pinasara ang ating bansa sa China kahit alam mo nang sakanila galing ang sakit na pumap*tay sa libo libong tao ngayon? Bakit nasa China na ata ang katapatan mo?”

“Bakit inuna mo ang Anti Terror Bill? Bakit mas inuna mo ang pagpapasara sa ABSCBN at pagkitil sa kabuhayan ng libo libong empleyado pero nanatili dito ang mga POGO? Ito ba talaga ang mga plano mo para sa Pilipinas? Ano nanaman kaya ang sasabihin mo bukas? “Joke lang?” dagdag pa nito.

View this post on Instagram

#ItoAngSONAKo Mula nang ako’y naging registered voter, sinigurado kong gamitin ang boto ko para magluklok ng mga pulitikong tingin ko ay makakabuti at gagawa ng mabuti para sa ating bansa. At noong 2016, oo binoto kita Pres. Duterte pati ang pamilya ko. Sa paniniwalang magkakaboses ang maliliit na tao na sinasabi mo noon na dadamayan mo. Nakita namin ang kasimplehan mo na kahit presidente ka ay abot na abot ka ng mga tao. Nakita namin ang political will mo. Ni hindi nga namin pinuna ang pagmumura mo. Lagi ko sinasabi sa sarili ko tao ka lang. Nagkakamali. Pero makalipas ang 4 na taon ng pagsubaybay sa mga ninais mo para sa bansa, ano po ang nangyari? Ultimo ang Santo Papa, minura mo, pinagsalitaan ng kung ano ano, nawala ang respeto mo sa mga kababaihan kahit may mga anak kang babae, inuna mo ang personal na galit at paghihiganti kaya ganon na lamang ang kawalang bahala mo sa mga totoong pangangailangan at problema ng ating bayan… Bakit di mo agad pinasara ang ating bansa sa China kahit alam mo nang sakanila galing ang sakit na pumapatay sa libo libong tao ngayon? Bakit nasa China na ata ang katapatan mo? Bakit inuna mo ang Anti Terror Bill? Bakit mas inuna mo ang pagpapasara sa ABSCBN at pagkitil sa kabuhayan ng libo libong empleyado pero nanatili dito ang mga POGO? Ito ba talaga ang mga plano mo para sa Pilipinas? Ano nanaman kaya ang sasabihin mo bukas? “Joke lang?”

A post shared by 𝓜𝓻𝓼. 𝓝𝓲𝓴𝓴𝓲 𝓥𝓪𝓵𝓭𝓮𝔃 𝓖𝓪𝓻𝓬𝓲𝓪 🇵🇭 (@nikkivaldez_) on