Nung puro basura walang nagrereklamo! Mariel Rodriguez on Manila Bay rehabilitation: Atleast nakikita ng tao san napupunta taxes natin

Kamakailan lang ay naging usap usapan sa social media ang tungkol sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan nilalagyan ito ng white sand.

Maraming kilalang mga personalidad ang bumatikos sa naturang proyekto kasama na jan ang mga kritiko ng pamahalaan na panay ang pambabatikos sa Manila Bay rehabilitation.

Ngùnit sa kabila ng lahat, marami pa ring netizen ang natutuwa at suportado sa isinasagawang rehabilitasyon, dahil isa umano itong paraan upang mas lalong mapaganda ang naturang lugar.

Nitong linggo lamang September 19, binuksan na sa publiko ang Manila Bay na kung saan dinumog ito ng maraming tao upang makita ng personal ang isinagawang rehabilitasyon.

Maraming netizen ang natuwa lalo ng makita nila ang napakagandang white sand sa Manila Bay na tila umanong Miami Beach.

Binati rin ni Robin Padilla ang gobyerno dahil sa kanilang effort na mapaganda ang naturang lugar.

“The efficiency of the present government is admirable! Ibigay natin sa gobyerno ang tamang pagkilala sa accomplishment na ito dahil may COVID-19 man o wala, bilang isang taxpayer, pipiliin ko na ang white sand kesa sa basura.” saad pa ni Robin.

“Yun dolomite maaaring pagtalunan pero ‘yun basura 1 million percent masama sa inang kalikasan, sa ating kalusugan at sa lahat ng bagay. Wag naman nating ipagdamot sa ating mga kababayan na walang kakayahan makaranas ng Boracay sa Manila Bay. Free relaxation and family bonding ay mental, emotional and physical therapy. Every Filipino deserves a swim, a sunrise, and sunset by the beach.” dagdag pa nito.

Sinangayunan rin ito ng kanyang asawa na si Mariel Rodriguez na kung saan sinabi nito na isa umano itong patunay na nakikita ng publiko kung saan napupunta ang kanilang mga taxes.

“Nung puro basura walang nagrereklamo ngayon na pinaganda…. can you believe it? Ngayon sila nagreklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi natin hinahanap kung saan napunta ‘yung tax na binabayad natin… ayan oh. At least yan nakikita natin di ba? Tapos mah complain pa rin?” saad pa ng aktres.