OFW na Igorot nag donate ng mahigit P50K para sa kanyang mga kababayan sa Benguet: “I hope it would bring big smiles for those in needs”

Naging viral sa social media ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa kanyang ginawang pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Benguet.

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pagiging isang OFW ay hindi madaling hanap-buhay, dahil mawawalay ka sa iyong pamilya at marami hirap at sakripisyo ang kailangang tiisin upang makatagal ka sa ibang bansa.

Marami sa ating mga OFW ay nagsakripisyo upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilyang naiwan sa Pilipinas.

Ngunit ang pagiging isang OFW ay hindi rin tiyak kung meron bang kahihitnan ang iyong mga sakripisyo at pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Kaya itinuturing na sila ang mga bayong bayani ng bansa dahil sa kanilang mga ginagawang sakripisyo para sa kanilang mahal sa buhay.

Kaya naman naging viral ang isang Marine Chief Engineer na si Jemmer Tasing Tagure dahil sa kanyang pamimigay ng mahigit P50,000 worth na mga relief goods para sa kanyang mga kababayan sa Benguet.

Nilinaw ni Tagure na hindi siya mayaman at naranasan niya rin ang mga farmer kaya alam niya ang hirap na dinaranas ng mga kababayan niya sa Benguet.

Kaya naisipan niya tumulong at bumili ng mga sako sakong bigas upang maipamahagi sa mga kababayan niyang taga Benguet.

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

Sharing a P50,000.00 to my Hometown
­čî▓Kabayan Barrio, Kabayan, Benguet ­čî▓

I’m not rich and don’t have so much things in life. I’m only a Sailor and a Farmer too. We are all affected by this cr1isis, share whatever little things we have.

This is only small amount but I hope it would bring big smiles for those in needs.

­čÖĆPray and stay at home. ­čÖĆ