OFW sa Taiwan dinamay ang mga Blogger na si Mocha Uson, Sass Sassot, ThinkingPinoy at Andrew

OFW sa Taiwan dinamay ang mga Blogger na si Mocha Uson, Sass Sassot, ThinkingPinoy at Andrew

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa isang OFW sa Taiwan na kung saan binabatikos nito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inanunsyo ng Department of labor and Employment (DOLE) na pauuwiin sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan na si Elanel Egot Ordidor dahil kanyang ginawang paninira kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit hindi ito tinanggap ng gobyerno ng Taiwan at hindi sila pumayag na i-deport si Ordidor dahil lamang sa kanyang pambabatikos sa gobyerno ng Pilipinas.

Napagalaman kasi ng DOLE na gumagait si Ordidor ng iba’t ibang social media accounts upang gamitin sa paninira at pagpapakalat umano ng mga maling impormasyon tungkol sa pamahalan.

Sa naging interview ng ABS-CBN News sa kanya, sinabi nito na may karapatan siyang magpahayag ng kanyang saloobin laban sa gobyerno lalo na sa umanong maling ginagawa ng administrasyong Duterte.

“Taumbayan po ang nagpapasahod sa kanila kaya sila nandyan. Taumbayan ho ang nagluklok sa kanila kaya sila nandyan. So bilang taumbayan, bilang isang mamamayan, karapatan ko ang punahin ang nakikita kong hindi tama,” ayon pa sa kanya.

“Karapatan nating lahat, karaptan nating bawat Pilipino, may karapatan tayong mamuna,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa kanya, hindi niya umano kailangan humingi ng tawad dahil sa kanyang mga pahayag tungkol kay Pangulong Duterte.

Sinabi rin nito na marami ring mga social media influencer at blogger ang bumabatikos kay Vice President Leni Robredo pero ni isa sa kanila wala umano ang humingi ng patawad.

“Noong sila Sassot, sila Mocha Uson, sila Andrew sila Thinking Pinoy na binabalahura si Madame Leni, iyon po ba ay inoobliga ng gobyerno na magso-sorry sila sa Vice President natin? Sabi ho nila, ‘Ma’am sige ho, ba-bye,” ayon pa sa kanya.

Source: Politics , Interaksyon