OFW sa Taiwan kay Pangulong Duterte: “Hindi ako nakakaramdaman ng takot”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa isang Pinay na caregiver sa Taiwan na posibleng mapabalik sa pilipinas dahil sa ginawang paninira nito sa pangulo.

Inanunsyo ng Department of labor and Employment (DOLE) na pauuwiin sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan na si Elanel Egot Ordidor dahil kanyang ginawang paninira kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang mga uploaded video, sinabi ni Ordidor na gusto niyang sampalin si Pangulong Duterte dahil umano sa kapabayaan nito sa bansa.

Napag-alaman rin ng DOLE na gumagamit si Ordidor ng iba’t ibang social media accounts upang manira at magpakalat ng mga maling impormasyon tungkol kay Pangulong Duterte.

“We are constrained to act for the deportation of a Filipina working as caregiver in Taiwan for the cr1ime of cyber li1bel for willful posting of nas$ty and male3volent materials against President Duterte on Facebook intended to cause hatr3ed amidst the global health cr1isis brought about by the COVID-19 pandemic”

“It has come to our knowledge that Ms. Ordidor is using several social media accounts, among which are Lenale Elanel Egot, Mha Lan Dee, Linn Silawan and Hampas Lupa and has a group organized to discredit and malign the President and de3stabilize the government.”

“Due to her acts, POLO coordinated with her broker and employer on her deportation on the basis of the gravity of Ordidor’s offense under Philippine Law. The sharing and posting of such videos are punishable under Cyber l1ibel under Republic Act No. 10175.” pahayag ng DOLE sa kanilang press release.

Ngunit imbis na huminto na sa kanyang ginagawang paninira, muling nag post ng video ang naturang OFW at may mensahe ito sa mga netizen.

Ayon sa kanya, ang laban umano na kinakaharap niya ngayon ay para sa bayan dahil ang tanging hiling lamang umano nito ay maging maayos ang bansa.

“Tumatayo (ako) sa katotohanan at naninindigan (ako) sa tama. Hindi ako nakakaramdaman ng takot sa mga isyung nagmula kung kaninoman… Umpisahan natin ang pagsugpo sa mga kasinungalingan para sa taumbayan at para sa bayan ,” saad ni Ordidor.

Update status ni ms. LINN SILAWAN

Posted by Shann’s Funniest Videos on Sunday, April 26, 2020