Oras na para palitan! Rep. Paolo Duterte pushing to change the name of NAIA (Ninoy Aquino International Airport)

Hindi maikakaila na palaging laman ng social media ang tungkol sa pagpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport o mas kilala sa tawag na NAIA.

Maraming mga netizen ang nagmumungkahi na palitan ito sa pangalang “Manila International Airport” upang mas maipresenta umano ang bansang Pilipinas.

Kaya naman, nagbunyi muli ang mga netizen matapos isulong ni Davao City 1st District Representative at Presidential son na si Paolo ‘Pulong’ Duterte ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA.

Ayon sa House Bill no. 731, ang NAIA umano ay dapat ng palitan sa pangalang “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas” (PPP) upang mas mapabilis umano ang pagkilala ng mga dayuhan sa paliparan.

“NAIA is the international gateway of the Philippines, being the biggest and largest international airport in the country. As such, there is a need to identify the same as belonging to the Philippines. Hence, the proposed renaming to ‚ÄúPaliparang Pandaigdig ng Pilipinas,” nakasaad sa dokumento.

“With the proposed name, the airport will easily be identified as the international doorway of the country, in view of it being in Filipino language and branding it as the international airport of the Philippines,” dagdag pa nito.

Matatandaan na dati ng Manila International Airport ang kasalukuyang NAIA ngayon, napalitan lang ito noong 1987.

Sumang-ayon naman si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ACT-CIS Rep. Eric Yap sa iminungkahi ni Rep. Paolo Duterte.