Paano mo nasabi? Arnell Ignacio slams Sen. Hontiveros: “Nanggugulo ka lang”

Matatandaan na naging viral sa social media ang isang nagpakilalang dating sundalo na nakipagmatigasan sa mga pulis at umaksyon na tila bubunot ng baril.

Sa viral video na kumalat sa social media, makikita ang isang lalaki na tila umaksyon na bubunot ng baril sa loob ng kanyang bag kaya agad inunahan ng mga pulis ang lalaki at agad itong pinaputukan.

Dahil sa nangyaring ito, agad na naglabas ng pahayag si Senator Risa Hontiveros at agad na nanawagan sa Commission on Human Rights at Philippine National Police na imbestigahan ang naturang incidente.

“There is NEVER an excuse for brutlity and viol3nce, especially towards persons with m3ntal illn3ss and the powerless.”

“I am urging the Commission of Human Rights and the Philippine National Police to immediately conduct a full investigation into this incident.”

“COVID-19 ang kalaban natin, hindi ang kapwa natin mga Pilipino.” dagdag pa ng senadora.

Dahil sa naging pahayag ng senadora, agad na bumwelta si dating OWWA Official (Overseas Workers Welfare Administration) Arnell Ignacio.

“At kung makipagpalitan kayo ng paliwanag diyan, para bang nag-train kang humawak na baril, nag-train sa pag-assau1t ng taong mukhang bubunot ng bar1l at para bang nanduon ka sa sitwasyon. Katulad mo Hontiveros, nandoon ka ba? How can you even conclude? How can you even say? How can ypou even susp3ct na mayroon agad pang-aabuso? Ano ba epekto ng pinagsasabi ninyo? Di ba nangugulo lang kayo?” saad ni Arnell Ignacio sa kanyang video.

Sen risa hontiveros at mga sawsawera message.ko sa inyo.

Posted by DA Arnell Owwa on Thursday, April 23, 2020

Ngunit bago pa man maglabas ng pahayag ang senadora, tila alam na ng taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at kilalang radio host na si Mark Lopez ang gagawin ng mga taga oposisyon.

“Uunahan ko na kayo… Yang nangyaring SH*0TiNG INCIDENT SA FAIRVIEW na kumakalat na sa chat groups, gagamitin yan, and will be expl0ited ng mga dilawan, mga pekeng makakaliwa, mga woke at mga oportunista, laban kay Presidente Duterte…” saad pa ng radio host sa kanyang facebook post.

Sa isa pang facebook po ng taga suporta ng Pangulo na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, absuwelto umano ang pulis kung ang pagbabasehan ay ang naturang video.

“Personal opinion, abswelto yung pulis sa sh(oting incident. He did everything by the book.”

“Para dun sa nagtataka. May umiikot na video ng sh(oting incident allegedly in Fairview of a cop that had to sh(ot down a guy. Maliwanag sa video na yung action ng biktima ay parang bubunot ng baril. Whether he was arm3d or not is beside the point.” dagdag pa nito.

Source:Mark Lopez , Atty. Trixie Cruz-Angeles