Pahirap lang! Batas ni Trillanes gustong ipabasura ni Rep. Paolo Duterte

Viral sa social media ang naging pahayag ni Davao City 1st District Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte tungkol sa isang batas na ipinasa ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ang batas na gustong ipabasura ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ay ang ‘Continuing Professional Development Act of 2016’ o CPD Law, ayon sa kanya isa lamang umano itong pabigat sa ating mga Professionals.

Ayon pa sa kanya, problema lamang umano ito sa mga professionals na napipilitan gumasto ng pera at oras palang lamang mairenew ang kanilang lisensya.

“While we support lifelong learning among our professionals to further their craft, the requirements set by the CPD law just adds to the burden they have to deal with. After a long day of work, they are forc3ed to spend a bulk of their salary, take absences from work, and go through unreasonable hardships just so they can renew their licenses and continue the practice of their professions,” saad ni Paolo Duterte sa isang pahayag.

“This CPD law is uncalled for. To address this, we will file a bill repealing this anti-professional measure introduced by Trillanes. We can actually help our professionals meet global standards through other means, without passing the burd3en to them,” dagdag pa nito.

Kung maibabasura umano itong batas na ito ay isa itong pagbibigay ng pasasalamat para sa mga Filipino professionals para sa kanilang pagpupursige.

“Our proposed measure is also to serve as gratitude to our professional frontliners who continuously render their service to our nation, especially in this time of cr1isis. We have witnessed the selfless acts of our professional frontliners. They do not deserve the CPD law,” ayon pa sa anak ng Pangulo.

“This is long overdue. We will not just file it for the sake of filing. We will file this bill, seek support from our colleagues in Congress, and make sure that this is enacted as soon as possible,” dagdag pa nito.

Matatandaan na ang CPD ay isang mandatory requirement para sa mga pilipino na gustong i-renew ang kanilang mga lisensya.

Agad naman ito sinuportahan ng mga kilalang taga suporta ng Pangulo, isa na jan si RJ Nieto o mas kilala sa pangalang Thinking Pinoy.

Suportado rin ng mga netizens ang panawagan na ito ni Paolo Duterte, ayon pa sa mga netizens, nararapat lamang umano na alisin na ang naturang batas upang hindi na mahirapan ang mga filipino professionals na makapag renew ng kanilang mga lisensya.