Panalo siya sa akin! ThinkingPinoy suportado si Rep. Marcoleta

Kamakailan lang ay naging viral sa social media si Congressman Rodante Marcoleta matapos ang kanyang naging talumpati sa pagdidinig sa kongreso tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaan na marami ang bumilib sa naging talumpati ni Rep. Marcoleta tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na kung saan ipinaliwanag nito ang tinukoy kung bakit hindi dapat mabigyan ng panibagong prangkisa ang naturang estasyon.

Dahil dito, hindi mapigilan ni ThinkingPinoy o RJ Nieto na bumilib sa kongresista at sinabing susuportahan nito kung sakaling tatakbo siya na maging senador sa susunod na eleksyon.

“If Rep. Marcoleta runs for senator in 2022, he’ll be on top of my list. Galing mag-present ng lolo mo eh,” saad pa ni TP.

Matatandaan na naging laman ng social media ang pagsisiwalat ni Marcoleta sa mga paglabag umano ng kapamilya network.

Inisa isa rin nito ang mga pagkakasala umano ng naturang estasyon mula sa labor laws at hanggang sa pangingialam umano nito sa politika.

“Hindi po ba mas maganda at katanggap-tanggap na tumulong sa kapwa na walang nilalabag sa batas at buong sikap na nasusunod ang prangkisa. Dahil po ba kayo ay nakakapagdulot ng saya, aliw sa ating mamamayan, nakakapagbigay ng inspirasyon, katatagan ng loob, pag-asa, katulad sa sinabi sa opening salvo ng representative ng ABS-CBN, hindi na po ba natin susundin o tutuparin, isasalang-alang ang batas, o ang prangkisa ninyo?” saad pa ni Marcoleta.

“Makakapagpasaya naman tayo, makakapag-inspire tayo nang hindi po tayo lumalabag sa batas… Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas,” dagdag pa nito.

Hindi rin nakaligtas kay Marcoleta ang ginagawang paraan umano ng ABS-CBN upang hindi makapagbayad ng malaking tax.

“Bakit ang GMA 7 na hindi kasing laki o kasing yaman ng ABS-CBN ay nakapagbayad ng buwis sa pamahalaan ng P1.6 billion noong 2018. Samanatalang ang ABS-CBN ay walang binayarang buwis. Bakit naman nakalibre ang ABS-CBN noong 2018 sa negative income tax nila na 84 million.”

“Ibig sabihin nito ay may tax credit ang ABS-CBN at gobyerno pa ang lumalabas na may utang dito. Wala po itong pagkakaiba sa isang taong umutang sa tindahan at binigyan pa ng sukli, ” dagdag pa nito.