Panelo binutata si Robredo: “Wala ka nang ginawa kundi pumuna, mamintas”

Kamakailan lang ay sinupalpal ni Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ang naging pahayag ni VP Leni Robredo tungkol sa pagapila nito na magko-operate ang oposisyon at ang pamahalaang Duterte.

Sa naging pahayag ni Panelo, sinabi nito na ang kampo lamang umano ni Robredo ang ayaw mag-cooperate sa adminitrasyon.

Sinabi rin nito na panay pambabatikos at pamimintas lamang umano ang ginagawa ni Robredo at ng kanyang kampo sa pamahalaang Duterte.

“Ikaw naman VP Leni, mananawagan ka, ‘Tayong lahat ay mag-cooperate. ‘ Eh ikaw nga, hindi ka nagko-cooperate eh. Wala ka nang ginawa kundi pumuna, mamintas. Halos sa mga mungkahi mo, dati nang ginagawa.” saad pa ni Panelo.

Ayon pa kay Panelo, tuwing napupuri umano si Robredo sa kanyang mga ginagawa, halos napapalibutan umano ito ng mga media.

Pinayuhan rin ni Panelo si Robredo na hayaan ang kanyang ginagawa sa Pilipino na siyang mag kuwento.

“Pagkatapos,napupuri ka sa ginagawa mo, ikaw naman, ‘pag may gagawin kang kabutihan, gusto mo palaging may media. Kailangan hayaan mo ‘yung mga taong tumanggap ng ayuda, ng kabutihan mo ang siyang magkuwento… ‘Yan ang tunay na kooperasyon.” dagdag pa nito.

Matatandaan na sinabi ni Robredo sa kanyang naging pahayag na dapat umano ay maging bukas sa mungkahi ang gobyerno lalo na sa mga taong handang umambag para mas mapabuti ang bansa.

“Ito ang simpleng katotohanan, at kung gusto nating baguhin ang trajectory ng bansa, kailangan nating harapin ito, at maging bukas sa lahat ng kaisipan, mungkahi, lahat ng handang umambag dahil walang ibang paraang malagpasan ang hamon na ito kundi ang magtulungan.” saad pa ni Robredo.