Pangulong Duterte may mensahe sa kanyang kritiko na nagsasabing “OUSTDUTERTE”

Kamakailan lamang ay naging laman ng social media ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mga leftist groups na nagsagawa ng rally.

Binatikos si Pangulong Duterte ng kanyang mga kritiko dahil sa kanyang pahayag na ipapahuli nito ang mga leftist group na patuloy parin manggulo kahit na nasa Enchanced Community Quarantine ang bansa.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangæy na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagæy sa alanganin, sh00t them dead.” pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga leftists matapos magsagawa ng rally.

“Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” dagdag pa nito.

Dahil dito agad na binatikos ng mga taga-oposisyon at taga suporta nito ang Pangulo at nagsagawa ng twitter trend na “OustDuterte”.

Marami rin mga kilalang artista ang naglabas ng kanilang reaction tungkol sa naging pahayag ng Pangulo.

Ngeunit ang ginawang ‘OustDuterte’ trend ng mga taga-oposisyon ay hindi tumalab kay Pangulong Duterte at kanya itong minaliit.

Ayon pa sa Pangulo, hindi na umano kailangan ng mga oposisyon ang magsagawa ng ‘OustDuterte’ kung sakaling gustuhin mismo ng mga militar at mga pulis na pababain siya sa pwesto.

Sa kanyang naging live coverage nitong nagdaang araw, sinabi nito na kusa siyang bababa bilang Pangulo ng Bansa kung sasabihin ito ng mga militar at mga pulis.

“Ito ‘yung “Oust Duterte.” Anak ng p*… You know magprangkahan tayo. Nakikinig ang military pati pulis, pati kayo dito ngæyon. ‘Pag sinabi ng inyong chief ng Army, Navy, Air Force pati pulis, ‘pag sinabi nila, silang apat magpunta dito sabihin nila, “Duterte, bumaba ka na ngæyon na kaagad.” saad pa ng Pangulo.

“Hindi na ‘yang “Oust, oust Duterte.” Tutal ang naghawak nito ang military, ang pulis. Kung ayaw nila, ang totoo wala talagang mangyari. Kung gusto nila, wala — hindi mo rin mapigilan. Ilang — ilang…? Well, life — life chang1ng events sa buhay natin. It’s always the military and the police. Kaya para sa akin ‘pag sinabi ng military, pulis, “Duterte, hindi mo kaya itong trabaho na ito. Bumaba ka na lang.” dagdag pa nito.

“Sabi ko nga sa kanila, huwag na kayong magdala ng mga tangke diyan sa harap ko. Ang kalaban ninyo ito, puro mga mistah ng mga — puro ng… Bakit — bakit pa ako magpayag na magbarilan tayo? Kaya ganun. Huwag na ‘yang “Oust Duterte” na mga fak3 n3ws. Doon kayo magtutok sa pulis pati Armed Forces. ‘Pag sila ang nagsabi, ‘yun na ‘yon. Iyon na ‘yon.”

“Pero kung kayo lang, tapos you agitate people to revolt, tapos mag-ri0t-ri0t, masaktan lang kayo. Kaya ‘pag ginawa ninyo ‘yan, alam na ninyo ngæyon. ‘Pag ang pulis nag-aresto sa inyo, your responsibility is to submit. Kailangan magsabi ka, “O ano sir, bakit?” “O inaaresto ka.” “Oo, sir.” “Istasyon ka.” “Yes, sir.” Huwag kang lumaban. “Hindi, hindi ako pwede.” saad pa ng Pangulo.