Pangulong Duterte may P30k pabuyang ibibigay sa taong makakapag-sumbong sa kurapsyon sa kanilang lugar

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang pag anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung saan magbibigay ito ng pabuya.

Inunsyo ni Pangulong Duterte na magbibigay siya sa taong makakapag-sumbong tungkol sa mga barangay officials na kinukurakot ang Social Amelioration Program (SAP).

Sa meeting ng Inter-Agency Task F0rce for the Management of Emerging Inf3ctious Dis3ases (IATF-EID), sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magbibigay ang Pangulo ng P30,000 sa taong tutulong mahuli ang mga kurap na official.

“Siya po ay magbibigay ng pabuya na 30,000 pesos sa lahat ng po ng mga mag rereport ng local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para sa mahihirap” ayon pa kay Presidential Spokesperson Roque.

Maaari umano kontakin ang national public service of the government hotline na 8888 dahil 24/7 itong bukas lalo na sa makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga kurap na local officials na nagsasamantala sa COVID19.

Agad rin binatikos ng Pangulo ang mga kurap na barangay officials at pinagbantaan na kung may masama silang gawain ay huwag na lamang nilang ituloy.

“Sinabi ko na sa kanila na kung may gagawin sila, wag sa panahon ngayon,” saad pa ng Pangulo.

Hinikayat rin ni Pangulong Duterte ang mga alkalde ng lungsod na piliin lamang ang mga pinagkakatiwalaan nilang mga officials para mag distribute ng financial aid sa kanilang mga nasasakupan.

Kamakailan lang ay inunsyo rin ni Pangulong Duterte na magbibigay siya ng pabuyang P50M kung sino man ang makakagawa ng vaccine para sa COVID19.

Sinabi rin ng Pangulo na tataasan niya pa ang pabuyang ibibigay para sa vaccine kung kinakailangan upang mas mapabilis at mainganyo ang mga filipino scientists.