Pangulong Duterte pinaalalahan ang mga local na gobyerno: “Huwag kang magbiyahe ng sarili mo”

Kamakailan lang ay inanunsyo ng Department of Health ang pagpasok at pagkalat ng COVID-19 sa bansa na kung saan marami na ang nag positibo sa naturang sakit.

Kamakailan lang ay nagpagtupad narin ang gobyerno ng Pilipinas ng enchance community quarantine sa Metro Manila, na kung saan hihigpitan ang bawat galaw at trænsportasyon sa Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.

Sa naging pahayag ni Pangulong Duterte sa isang taped speech nitong Biyernes, Marso 20 ,2020, sinabi nito na dapat masunod ang pambansang gobyerno kaysa sa mga lokal na gobyerno.

“I was a mayor myself, in case you have forgotten, but this is an emergency of national proportion and therefore it is the national government that should call the shots,” ani pa ng Pangulo.

“Wala namang [may] gusto nito eh. We do not want to be lording it over your local governments because we do not want to do that. I do not want to do that, that’s an added task. Ayaw na ayaw ko ‘yan, pero wala tayong magawa. Sundin lang natin. Ibig kong sabihin, huwag kang magbiyahe ng sarili mo,” dagdag pa nito.

Nanawagan rin si Pangulong Duterte sa Department of the Interior and Local Government at pati na rin sa Department of Justice na bantayan at tingnan kung sinusunod ng mga local na gobyerno ang ipinatupad na lockdown procedure.

Ito’y kasunod sa naging pahayag ng alkalde ng Pasig na si Vico Sotto na payagang makabyahe ang mga tricycle sa kanilang lungsod kahit pa may mass trænsportation ban sa buong Luzon ngayong lockdown.

Ayon sa pahayag ni Sotto, mas delikado umano kung haharangan ang pagbyahe ng mga tricycle para sa mga health workers at emergency patient ng kanilang lungsod.

“Nagdadasal din po ako na ‘wag pigilan ng nasyonal na pamahalaan ang pag-operate ng mga tricycle- dahil nakikita po natin sa ating risk assessment na mas delikado ang public health situation kung pagbabawalan ang lahat ng tricycle.” wika ni Mayor Sotto.

Agad naman ito sinagot ng Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson na si USEC Jonathan Malaya na kung saan sinabi nito na dapat maging creative umano ang alkalde ng Pasig sa pagreresolba ng problema kagaya na lamang ng ibang alkalde sa Metro Manila.

“Now, if other LGUs in Metro Manila can shuttle their health care workers, why can’t Pasig? We appeal to Mayor Vico to be more creative in dealing with this problem just like the other Metro Manila mayors.” sagot ni USEC ng DILG.