Pangulong Duterte bumwelta kay Leni Robredo: “May gawin ako o wala may masasabi parin si Leni”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay na kung saan nilalagyan ito ng white sand.

Marami ang bumatikos sa naturang proyekto kasama na nga jan ang mga oposisyon at pati na rin si Vice President Leni Robredo na kung saan binatikos nito ang naturang proyekto.

Ngùnit sa kabila ng lahat, nag tagumpay parin ang gobyerno sa pagpapaganda ng naturang lugar na kung saan marami parin ang sumusuporta dito.

Kaya naman natawa na lamang si Pangulong Rodrigo Duterte habang nagsasalita tungkol sa mga sinasabi ng mga kritiko.

Sa pagpupulong kasama ang kanyang mga cabinet member, sinabi ni Pangulong Duterte na tagumpay ang DENR sa paglilinis at pagpapaganda sa Manila Bay.

Hindi rin pinalagpas ni Pangulong Duterte ang mga kritiko na kung saan bumwelta rin ito dahil sa kanilang patuloy na paninira sa mga proyekto ng gobyerno.

“Wala talaga tayong magawa, you do it may masabi sila, you do not do it may masabi si Leni (Robredo) what do you want us to do?.” saad pa ni Pangulong Duterte.

“Ang problema kasi nito, ‘yung magsabi we are doing enough, what can we do with the germs that’s flying around?.” dagdag pa nito.

Nakakadismaya rin umano ang mga sinasabi ng mga kritiko na kung saan pinapalabas umano nila na walang ginagawa ang gobyerno upang labanan ang COVID19 sa bansa.

“We have done our best, we responded to the medical needs of the [Filipinos],” saad pa nito.

“Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat,” dagdag pa nito.

Matatandaan na sinabi ni Robredo na may karapatan umano siyang batikusin ang pamahalaan.

“Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko.” saad pa ni Robredo.

“And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,” dagdag pa nito.