Panuorin!: Bras, Panties at Diapers, pwedeng alternatibong gamitin kung walang N95 mask – DOH

Sinabi ng Department of Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana na may mga alternatibong paraan na puwedeng gamitin ang mga Filipino kung wala na talagang mabilhan ng N95 mask bilang proteksyon sa abong binubuga ng bulkang Taal.

Ayon sa press conference, inihayag ni DOH Assistant Secretary Laxamana na puwede umano gawin alternatibo ang bra, at panty bilang proteksyon.

Kung wala na umanong mabibili na N95 mask, puwede umano ito bilang proteksyon, O kaya naman ay mag-improvise gaya ng ginagamit ng mga ninja para maproteksyunan ang sarili sa ashfall.

Mas maari na raw na maging creative upang hindi ma kompromiso ang kalusugan lalo na sa posibleng problema sa baga.

“Yung bra, panty, puwede kung talagang wala nang magamit na masks. Maraming ways, very creative ways. Kung wala po talagang ordinary surgical mask in your area, alam nyo po yung mga ninja, puwedeng gamitin yung ganong mask, puwedeng mag-improvised , and it worked. Marami pong na-prevent na respiratory problems because of that. Ang mahalaga ma-protect yung nose and mouth,” ani ni Laxamana.

Isa na umano na puwedeng gamitin ay ang diapers upang maproteksyunan umano ang sarili.

“Ang diapers open so pwede po siya. Actually kung titingnan niyo ang mga diapers merong dry. Puwede niyong basain nang konti para hindi kayo ma-suffocate,” ayon kay Assistant Secretary ng DOH.

“Para talagang ma-obstruct yung mga puwedeng malanghap. very creative and practical way, kung talagang walang makuha.” dagdag pa nito.

Can’t find an N95 mask? DOH: Use bra, panty Read: https://bit.ly/2u0s0vW

Posted by Prince Evidente Golez on Monday, January 13, 2020

Recommended For You

About the Author: root