Panuorin! Pentagon ibinahagi sa publiko ang unclassified videos ng tatlong UFO videos na kuha ng US Navy

Hindi maikakailan na hanggang sa ngayon ay palaisapan parin sa mga tao sa buong mundo kung totoo ba na may mga Alien.

May iilang tao rin na nagsasabi na nakakita sila ng mga unidentified flying object o UFO na nakunan nila sa kanilang mga cellphone.

Marami ang hindi naniniwala dito dahil pwede umanong eedit ang mga videong ito at ipalabas na mayroon UFO sila nakuha sa kanilang mga cellphone.

Ngunit tila totoo nga ang mga UFO na ito dahil mismong Pentagon ng United states ang nagkumpirma sa mga ito lalo na ang videong kuha ng US Navy pilots.

Sa youtube video na inupload ng Reuters, mahigit sa tatlong taon na ang kumakalat na video ng ‘UFO’ sa internet.

Kaya naman agad na inilabas ng US Department of Defense, sinabi nito na nagpasya ang Pentagon na ilabas ang mga kuhang video footage para malinawan ang mga tao kung ang mga ito ba ay totoo o gawa gawa lamang.

“To clear up any misconceptions by the public on whether or not the footage that has been circulating was real or whether or not there is more to the videos”

“After a thorough review, the department has determined that the authorized release of these unclassified videos does not reveal any sensitive capabilities or systems, and does not impinge on any subsequent investigations of military air space incursions by unidentified aerial phenomena,” dagdag pa nito.

Ayon sa Department of Defense ng US ang mga naturang video ay kuha noong Nobyembre 2004 at Enero 2015, at ngayon lang nila inilabas upang linawin ang mga haka haka.

Video ng UFO | GMA Digital Specials

Kinumpirma ng US Department of Defense na totoo ang tatlong video ng UFO o mga tinatawag nilang "unidentified aerial phenomena." Nakuhanan ang mga 'di maipaliwanag na bagay noong taong 2004 at 2015. Panoorin ang video na ito.

Posted by GMA News on Tuesday, April 28, 2020