PANUORIN!: Van na nangunguha ng mga bibiktimahing kabataan nakunan sa CCTV!

Kamakailan lang ay nag trending sa social media ang napabalitang sunod-sunod na pagkawala ng mga bata sa Pasay city na may edad 15-23 anyos.

Marami rin sa mga netizen ang mga nabahala sa pangyayaring ito dahil sa takot na baka pati ang kanilang mga anak o mga kamag-anak ay mabiktima.

Ang balitang ito ay agad na ikinabahala ng mga atoridad at lalo na ang alkalde ng Pasay. Dahil dito, agad na bumuo ang Pasay Police ng special task group upang imbestigahan ang pagkawala ng mga minor de edad at mga iba pang nawawala.

Hindi naman maalis sa mga isipan ng mga netizen na nakapanuod sa viral na mga video na iugnay ang mga pangyayaring ito sa mga bentahan umano ng lamang loob na dati naring naging usap-usapan sa social media.

Makikita sa viral na video ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng daan. At makalipas ang ilang segundo ay may isang van na huminto sa harapan ng lalaki at agad itong sapilitang isinakay sa sasakyan.

Sa pangalawang clip ng video, makikita ang isang van na tila nakaparking sa gilid ng daan at may naka tayo na lalaki, at ilang minuto ang nakalipas may dala ng bata ang mga kasamahan nito at sinakay sa van.

Recommended For You

About the Author: root