Paolo Contis tinawag na “bast0s” at “walang s1lbi” si Trillanes matapos mag tweet laban kay Pangulong Duterte

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging tweet ng dating senador na si Antonio Trillanes IV tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa naging tweet ni Trillanes, sinabi nito na hindi siya mag dadalawang isip na batūkan ang Pangulo.

“Four Trillion ang budget mo, tapos hahanapan mo ako ng ambag? Batūkan kaya kita,” saad pa ni Trillanes sa kanyang twitter account.

Kaya naman hindi nagdalawang isip na rumesbak ang aktor at komedyante na si Paolo Contis sa naging pahayag ng dating senador.

Agad na binatikos ng aktor ang dating senador at tinawag na “bast0s” at “walang s1lbi” ang dating senador dahil sa kanyang naging pahayag laban kay Pangulong Duterte.

Ang naging pahayag na ito ni Contis ay naging viral at umani ng iba’t ibang reaction mula sa mga taga-suporta ng dating senador.

“Tama ka d’yan Paolo Contis, bastos si Trillanes. Dapat kasi tumulad siya sa presidente mo: napakatino, hindi nagmumura, hindi nagbabanta, at isang inspirasyon at positive role model sa sambayanan. Isang fist bump naman d’yan,” saad pa ng isang taga suporta ng dating senador.

Hindi rin napigilan ng kilalang kritiko ni Pangulong Duterte na si Leah Navarro na ipagtanggol ang dating senador.

“Sorry, who is Paolo Contis? Serious question.” saad pa ni Navarro.

Sinabi rin ng isang netizen na ibo-boycott umano nila ang panunuod sa Bubble Gang dahil sa naging pahayag ng aktor laban kay Trillanes.

“Paolo Contis because of you will not going to watch anymore bubble gang until you leave that show,” saad pa ng isang netizen.

Sa kasamaang palad, ang twitter account ng aktor na si Paolo Contis ay naka deactivate.

Sinabi ng dating senador ang pahayag na ito matapos tanungin ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kritiko kung ano ang naiambag nila sa bansa lalo na sa kinakaharap na problema ngayon.

“Ito lang ang tanong ko…. Ano ang nagawa ninyo para sa bayan? ’Yan lang,” saad pa ng Pangulo. “Kayo, what have you done for the country except to talk and criticize and talk?” dagdag pa nito.