Paolo Duterte may mensahe sa mga kritiko ng kanyang ama: “Meron din kayong mga Ama kung pagsu$unt0kin ko ba sila sa harapan ninyo?

Viral sa social media ang nakakaiyak na mensahe ni Davao City 1st district Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte para sa mga kritiko ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Instagram post, nagpahayag ito ng suporta sa kanyang ama na naka-self quarantine ngayon sa Malacañang dahil na rin sa banta ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, mas makakabuti umano kung kakasuhan ang mga lumalabag sa ipinatupad na Enchanced Community Quarantine sa bansa upang mas matoto sila sa kanilang kamalian.

“Pa, nandito lang kami. Magtulongan lang tayo, ang diyos lang ang may Alam kung hanggang saan lang tayo. Hindi tayo si Superman. Tao lang tayo. Haharapin natin ito hanggat sa makakaya, kung ang ibang tao’y matigas ang ulo at ayaw makinig sayo. Hayaan mo silang magpakmtay!” saad pa ni Pulong sa kanyang Instagram post.

Kwenistiyon rin ni Pulong ang mga kritiko ng Pangulo kung ano ang mararamdaman nila kung sakaling sasaktan ang kanilang mga ama sa kanilang harap, tulad ng pambabatikos nila sa Pangulo at pagsasabi ng masasakit na salita.

“Para sa inyo mga reklamador, bashers, haters kaaway meron din kayong mga ama kung pagsu$unt0kin ko ba sila sa harapan ninyo? Ano kayang mararamdaman niyo? Okay lang talaga sakin.” saad pa ni Paolo Duterte.

Ang Instagram post na ito ni Pulong Duterte ay humakot ng iba’t ibang reaction mula sa netizen, umabot na rin ito sa mahigit 17,000 shares at 16,000 reactions.

“You are very lucky to have a great father like tatay digong Sir Paolo and Filipino people are very blessed to have the best president ever.” saad pa ng isang netizen.

“Wag kang mag alala cong.Paolo hindi sya pababayaan ng ating panginoon. Mahal na mahal nya tayo lalo na ang ating mahal na pangulo..Tama pi kayo sir. Hayaan nalang po natin ang matitigas ang mga ulo…at wag kayong mag alala sir d uubra ang mga dilawan. Kahit anong mangyari sir solid DUTERTE pa rin kami..yan ang tawag na abante bisaya…” saad pa ng isang netizen.

Matatandaan na kamakailan lang ay binatikos ng mga oposisyon at mga kritiko si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang ipinatupad na Enchanced Community Quarantine sa bansa.

Kaya naman agad ito dinepensahan ng mga taga-suporta ng Pangulo at sinabing ang ipinatupad na ECQ sa bansa ay isang hakbang upang mas maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.