Parang kang bata! Robin Padilla slams Trillanes: “Puro ka reklamo puro ka hamon dito hamon don napalaban kana ba talaga?”

Muling bumuwelta ang aktor na si Robin Padilla kay dating senador Antonio Trillanes IV dahil sa kanyang naging pahayag laban sa aktor at sa Pangulo.

Matatandaan na nitong Huwebes, Binanatan ni Trillanes si Padilla na isa sa mga ‘salarin’ umano kung bakit naging Pangulo ng bansa si Duterte.

“Sbi ni Robin, mgtrabaho nlng dw at wg na mgreklamo. Ano? #1 na tyo sa pnkmraming covid cases sa SE Asia, hbang prang nglalaro lng si duterte at di alam ang gngawa. Bsta, isa ka sa salarin kung bkt nging presidente yang siraulong yan. Mlaking perwisyo ang dinulot nyo sa Pilipinas,” sabi pa ni Trillanes.

Kaya naman agad na rumesbak si Robin Padilla sa naging pahayag na ito ng dating senador, nilinaw rin ng aktor na hindi niya sinasabi na mag trabaho nalang ang mga tao, bagkus ay mag isip kung papaano makatulong sa bansa at hindi panay reklamo.

“Mr Antonio Trillanes who was educated by our taxes then after he took over oakwood planting C4 explosives endangering civilian lives taking makati as his hostage not once but twice.”

“Mr Trillanes, unang una wala akong sinabi na magtrabaho. pangalawa schoolmate sa Siena College Kung sa pagiging perwisyo sa Inangbayan ay nagunguna ka sa dami ng kudeta mo na lahat ay surrenderie ka naapektuhan lang ang economia ng Pilipinas kaya talo na naman ang taongbayan pero ikaw ay panalo dahil naging senador ka parang nagoyo mo lang ang ibang mga Pnoy sa personal mong agenda katulad ng ginagawa mo pa rin ngayon.” dagdag pa ng aktor sa kanyang Instagram.

Nanawagan rin si Robin kay dating senador na huwag siyang idamay sa mga away pulitika dahil hindi at wala umano siyang planong tumakbo sa 2022.

“Pakiusap wag mo ako idamay sa away ninyo sa Pulitika dahil hindi ako pulitiko at lalong hindi ako kandidato sa 2022 na katulad mo.”

“I call myself revolutionary because i do not join governments i fight governments and that is what president duterte and this government is doing fighting the system of government and its oligarchs that was founded by the Magdalos of Emilio Aguinaldo.” dagdag pa ng aktor.

Ayon pa sa aktor, nagsimula lamang umano ang pangbabatikos ni Trillanes kay Pangulong Duterte dahil hindi tinanggap ni Duterte na maging Bise Presidente niya si Trillanes.

“Talagang outside the normal ang ginagawa ni PRRD dahil talagang kumakasa siya sa lahat ng pinaglilingkuran mo. Hindi ka lang napagbigyan ni mayor prrd na maging vice president candidate niya nag huramentado kana at parang kang bata na nagngangangawa. Puro batikos puro ka reklamo puro ka hamon dito hamon don napalaban kana ba talaga?” saad pa ni Robin.

View this post on Instagram

Mr Antonio Trillanes who was educated by our taxes then after he took over oakwood planting C4 explosives endangering civilian lives taking makati as his hostage not once but twice. Mr Trillanes, unang una wala akong sinabi na magtrabaho. pangalawa schoolmate sa Siena College Kung sa pagiging perwisyo sa Inangbayan ay nagunguna ka sa dami ng kudeta mo na lahat ay surrenderie ka naapektuhan lang ang economia ng Pilipinas kaya talo na naman ang taongbayan pero ikaw ay panalo dahil naging senador ka parang nagoyo mo lang ang ibang mga Pnoy sa personal mong agenda katulad ng ginagawa mo pa rin ngayon. Pakiusap wag mo ako idamay sa away ninyo sa Pulitika dahil hindi ako pulitiko at lalong hindi ako kandidato sa 2022 na katulad mo. I call myself revolutionary because i do not join governments i fight governments and that is what president duterte and this government is doing fighting the system of government and its oligarchs that was founded by the Magdalos of Emilio Aguinaldo. Talagang outside the normal ang ginagawa ni PRRD dahil talagang kumakasa siya sa lahat ng pinaglilingkuran mo. Hindi ka lang napagbigyan ni mayor prrd na maging vice president candidate niya nag huramentado kana at parang kang bata na nagngangangawa. Puro batikos puro ka reklamo puro ka hamon dito hamon don napalaban kana ba talaga? Sinabi na ni pangulo na nagtake over na ang china sa south china sea/west philippine sea bakit hindi ka don magmatapang gusto mo samahan na kita para isang magdalo at may pag asa katipunero ang mag umpisa ng kabayanihan don. Mr trillanes pinili ko ang pagkapilipino ko at karapatan ko ang magsalita laban o pabor sa inyong mga pulitiko! Karapatan ko ang mamili ng aking susuportahan at lalabanan na pulitko. Hindi kita inaano o binabangga magmula ng hindi kana senador bilang respeto sa iyong pamilya kayat umayos ka rin.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on