“Parang lasing” DJ Chacha reacts to Cong. Marcoleta speech: “Kung anu-ano tinatalak makapagpa-bida lang”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang naging pahayag ni Deputy Speaker Marcoleta tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaan na naglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission upang magpatigil sa pag-ere ng ABS-CBN dahil tapos na ang kanilang prangkisa.

Kaya naman marami ang kilalang mga personalidad ang nagpakita ng kanilang suporta sa naturang estasyon, kasama na jan ang mga artistang kilala na sila Angel Locsin, Coco Martin at Vice Ganda.

Tinalakay ng Kongreso ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at agad na binanatan ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang naturang estasyon.

Sa naging talumpati ni Deputy Speaker Marcoleta, sinabihan niya ang mga opisyal ng naturang estasyon na kahit na nagbibigay ang mga ito ng aliw at saya sa mga Pilipino ay dapat parin nilang sumunod sa batas.

“Hindi po ba mas maganda at katanggap-tanggap na tumulong sa kapwa na walang nilalabag sa batas at buong sikap na nasusunod ang prangkisa.”

“Dahil po ba kayo ay nakakapagdulot ng saya, aliw sa ating mamamayan, nakakapagbigay ng inspirasyon, katatagan ng loob, pag-asa, katulad sa sinabi sa opening salvo ng representative ng ABS-CBN, hindi na po ba natin susundin o tutuparin, isasalang-alang ang batas, o ang prangkisa ninyo? Makakapagpasaya naman tayo, makakapag-inspire tayo nang hindi po tayo lumalabag sa batas… “

“Hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila pwede lumabas at magpalabas,” saad pa nito.

Dahil sa naging pahayag ni Marcoleta, tinawag ni DJ Chacha na parang lasing at nagpapabida lamang umano ang kongresista.

“Si Marcoleta, naalala ko yung Tito kong pag lasing na kung anu-ano tinatalak makapagpa-bida lang.” saad pa nito sa kanyang tweet.

Kaya naman agad na sinupalapal ng isang netizen ang naging tweet na ito ni DJ Chacha na kung saan ipinaliwanag niya ito kung ano ang mga tinalakay ni Cong. Marcoleta sa kanyang talumpati sa kongreso kahapon.