“Parang luging-lugi tayong taxpayer!” Retired broadcaster Jay Sonza pinatamaan ang mga lawmakers

Naging viral sa social media ang naging pahayag ng retiradong broadcaster na si Jay Sonza sa kanyang facebook post tungkol sa kalidad umano ng mga mambabatas.

Ayon sa kanyang viral na facebook post, sinabi ni Sonza na hindi umano nakikita ng mga taxpayer o sambayang Pilipino ang kalidad na dapat ipakita ng mga mambabatas sa taong bayan.

Malaki umano ang nakukuha ng mga mambabatas sa mga Pilipino lalo na sa mga taxpayers kaya dapat lang umano iapakita ng mambabatas na hindi nasasayang ang binibigay sa kanila na sweldo.

Ayon pa kay Sonza, mahigit 500k per month umano ang nakukuha ng mga kongresista at nasa mahigit P2M umano sa mga senator para sa paggawa ng batas at kanilang mga gastusin.

“Each congressman is alloted over P500k per month and each senator, P2M for law making process or legislative allowances. This are billions of pesos in taxpayers money.” saad pa ni Jay Sonza.

“Look at how they file and introduce their bills sans proper research, studies, constitutional and legal basis, expert opinion and explanation of intents and purposes.” dagdag pa nito.

“This was best displayed in yesterday’s joint committee hearing at the House.” giit pa nito.

Nilinaw ni Sonza na hindi niya nilalahat ang mga mambabatas, sa katunayan umano ay may iilang mambabatas parin ang maayos na ginagawa ang kanilang tungkulin.

“Of course, that is not to say that some of them are doing it the right way. in fairness, mayroon namang mangilanngilan na ayos ang galaw.” saad pa nito.

“Parang luging-lugi tayong taxpayer. Tingin nyo po?” dagdag pa nito.