Pastor Quiboloy may mensahe kay Vice Ganda: “idalanganin si Vice Ganda at kanyang mga kasamahan”

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang paghamon ni Jose Mari Viceral o mas kilala bilang Vice Ganda kay Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaan na hinamon ni Vice Ganda si Quiboloy na patigilin ang traffic sa EDSA at pati narin ang ‘Ang Probinsyano’.

Agad naman sinagot ni Pastor Quiboloy ang hamon ng komedyante at tinanong kung kailan niya gustong mangyari ang pagpapatigil sa ‘Ang Probinsyano’.

Nitong nagdaang araw lamang ay tuluyan na nga nagsara ang ABS-CBN o Kapamilya network dahil sa kabiguan nilang makakuha ng boto upang mabigyan sila ng panibagong prangkisa.

Nagbigay naman ng mensahe si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy kay Vice Ganda na kung saan sinabi nito na hindi na niya papatulan si Vice Ganda matapos ang naging desisyon ng kongreso laban sa ABS-CBN.

“Ngayon na nandiyan sila sa sitwasyon na ganyan, wag na nating ipagdiinan sila, ang dapat nating gawin ay idalanganin si Vice Ganda at kanyang mga kasamahan, alam niyo mahirap din mawalan ng trabaho,” saad pa ni Pastor Quiboloy.

“Ngayon, nasa sitwasyon sila na ganyan. Idadalangin natin sila na sana hindi sila tuluyang mawalan ng hanapbuhay o hindi na sila makakakita ng makakain pa, Pilipino rin naman sila katulad natin. Kung tayo ay nasa kanilang lugar ay ganundin ang ating magiging karanasan.” dagdag pa nito.

“In spite of the recent happenings, ‘yung mga hamon, gano’n, tapos na ‘yun h’wag na nating pag usapan ‘yun, ang ating idalangin sa ating mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil hindi na renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay sana ay makatawid sila sa kanilang kahirapang dinadanas,”

Nanawagan rin si Pastor Quiboloy sa publiko na ipagdasal na lamang ang mga naging apektado sa pagsasara ng ABS-CBN.

“Idalangin natin si Vice Ganda, idalangin natin ang ating mga kababayan nagta-trabaho sa ABS-CBN, kahit ano pang mga nangyaring issues, isantabi na natin ‘yun nangyari na ang nangyari,” saad pa nito.

View this post on Instagram

WATCH: Apollo Quiboloy, nakipagbati na kay Vice Ganda “Alam ninyo, mahirap mawalan din ng trabaho. “At kailangan din namang humarap tayo sa batas sapagkat ang batas ang siyang nagtatanggol sa atin, puprotekta sa atin. “Hindi rin natin maaaring iwasan kung tayo ay nasa kanilang kalagayan at bilang may-ari ng network, bilang may-ari ng pinagkikitaan nila, ay hindi rin sila makaiwas sa bagay na sasagutin nila sa batas. “So, nangyari na nga yung nangyari, humarap na sila sa Kamara. At nahimay-himay na ‘yun lahat. “Ngayon, nasa sitwasyon sila na ganyan. Idadalangin natin sila na sana hindi sila tuluyang mawalan ng hanapbuhay o hindi na sila makakakita ng makakain pa. “Pilipino rin naman sila katulad natin. Kung tayo ay nasa kanilang lugar ay ganundin ang ating magiging karanasan. “So, we empathize, we don’t only sympathize with them, we empathize with them in spite of the recent happenings na yung hamon, ganun ganun. “Tapos na yun, ha. ‘Wag na nating pag-usapan yun.” #LabanKapamilya #IbalikAngABSCBN

A post shared by Kapamilya Kingdom (@kapamilyakingdom) on