Pastor Quiboloy sinupalpal muli si Vice Ganda: “Natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo”

Naging viral muli sa social media ang naging pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy laban sa komedyante na si Vice Ganda matapos mag-sara ang isa sa pinakamalaking TV Network sa bansa na ang ABS-CBN.

Matatandaan na hinamon ng komedyante na si Vice Ganda si Pastor Apollo Quiboloy na pahintuin ang traffic sa EDSA at patigilin ang pagpapalabas ng ‘Ang Probinsyano’.

Tinawag rin ng komedyante si Pastor Quiboloy na ‘mayabang’ dahil sa pahayag nitong ipinahinto niya umano ang malakas na lindol na naganap noong October 31,2019 sa North Cotabato.

Dahil nagsara na ang ABS-CBN network matapos magbigay ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission o NTC na nagpapatigil sa pag ere ng naturang estasyon.

“Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo? Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon.” saad pa ng pastor.

“Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo. Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya.” dagdag pa nito.

Isa umanong hustisya mula sa Diyos ang nangyari lalo na sa kinakaharap ngayon ng naturang estasyon.

“Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan. Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon.” saad pa nito.

“O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila. Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya.”

“Siguro sa iba, naloloko mo, niloloko mo, pinagtatawanan mo, e, wala naman kinalaman sa Diyos sila. Nakakaligtas ka doon, pero binibilang din ng Diyos ‘yon. Pang-aapi ‘yon. Pagkatapos isinama mo pa ako.” dagdag pa nito.

Source: PEP