Pia Wurtzbach bumanat sa naging desisyon ni Pangulong Duterte: “Palala ng palala yung mga nababasa ko”

Kahapon lamang ay naging usap-usapan sa social media at pati na sa mga news outlet ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon sa Amerikanong sundalo na si Joseph Pemberton.

Matatandaan na suspek si Pemberton sa pagkakapaslang sa isang transg3nder na si Jeniffer Laude noong 2014.

Maraming kilalang personalidad at mga oposisyon ang bumatikos sa naging hakbang na ito ng Pangulo dahil isa umanong itong sampal sa justice system sa bansa.

Isa na nga jan si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na kung saan nagpahayag ito ng kanyang pagkadismaya sa kanyang social media account.

“I’ll never get tired of saying this” saad pa ni Miss U. 2015 sa kanyang twitter account.

Hinikayat rin nito ang publiko na sa darating na eleksyon sa 2022 ay dapat siguraduhing nakapagparehistro upang makapag boto sa tamang tao na mamumuno sa bansa.

“Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi nalang palala ng palala yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman? Hay… Eto nalang, let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us,” saad pa ni Wurtzbach.

Ayon pa kay Pia, hindi umano siya mapapagod na paaalalahan ang publiko na magparehistro sa darating na eleksyon.

“I will continue reminding everyone to register to vote. Dahil sigurado, maraming magpapabukas nito until the last minute. No more excuses (even for me) lahat tayo dapat registered na. Hindi enough na sa social media lang tayo naririnig,” dagdag pa ni Miss Universe 2015.

“Okay. Signing off for tonight. Baka macarried away pa ko sa mga susunod kong sasabihin.. pero yun na. I know I dont use twitter much and I probably dont have a lot of active followers here anymore. But pls for those who can read this. Please mag register tayo ha,” saad pa nito.