“Pinapili niya ako” Francis Leo Marcos ibinunyag na iniwan siya ng kanyang asawa dahil sa kanyang pagtulong sa mga tao

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang ginawang pagtulong ng isang businessman na si Francis Leo Marcos.

Naging laman ng social media si Francis Leo matapos nitong tulungan ang mga tao na nangangailang ng tulong lalo na sa kasagsagan ng enchanced community quarantine.

Sa kanyang facebook live video, ibinunyag ni Marcos na nagkakaroon umano sila ng problema ng kanyang asawa dahil pinipigilan siyang tumulong sa mga taong nangangailangan.

Ayon pa sa kanya, hindi niya umano maatim na hindi tumulong sa mga tao kahit na ang kapalit ay ang kanyang relasyon sa kanyang asawa.

“Sa totoong buhay po ay hiniwalayan po ako ng aking asawa dahil sa ginagawa ko, pero tinanggap ko po yun dahil hindi ko po kayang [magbago] mas pinili ko po yung pagtulong sa taumbayan kaysa sa sarili kong kapakanan, mas pinili ko po ang pagtulong ko sa tao kaysa sa sarili ko,” pahayag ni Francis Leo Marcos.

Ng0nit ganun pa man, umaasa parin si Francis Leo na maiintindihan ng kanyang asawa ang kanyang ginawang pagtulong sa mga tao.

“Umaasa parin ako na lalambot ang puso ng aking asawa at maiintindihan niya itong ginagawa ko, at mamahalin niya kung sino man ako at kung ano yung ginagawa ko para sa taumbayan,” saad pa nito

“Pinapili niya ho ako eh, magbabago daw po ba ako o hindi, ang sabi ko eh ‘kung masama ako ay hindi na dahil eto na ako eh, pero kung masama ang maging mabuti ay hindi na rin ako magbabago’,” dagdag pa niya.

Naging lamang ng social media ang kanyang mga live videos sa facebook matapos itong umabot sa mahigit 200,000 live viewers matapos nitong maglibot-libot sa kanyang mga kapit-bahay upang hikayatin ang mga ito na tumulong sa mga nangangailangan.

Matatandaan na isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa Enchanced Community Quarantine upang maiwasan na rin ang pagkalat ng coronavirus disease o mas kilala sa tawag na COVID-19.