Plastic? Netizen binatikos sina Toni at Alex Gonzaga, Robin Padilla matapos suportahan ang ABS-CBN

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN dahil umano sa mga nilabag nilang batas.

Matatandaan na nag labas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na naguutos na tumigil sila sa pag-eeri.

Marami ang nagpahayag ng suporta sa naturang estasyon at kasama na rin ang mga iba’t ibang kilalang celebrity sa bansa na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring ito.

Isa na nga jan ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga at ang kilalang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Robin Padilla.

Nadismaya at nalungkot ang magkapatid na aktres at si Robin Padilla matapos magsara ang ABS-CBN, Ngunit imbis na pagdamay ang natanggap mula sa netizens, tinawag silang ‘enabler’ ‘plastic’ ‘DDS’ at ‘hypocr1te’ ng mga netizens.

Ang tatlo ay kilalang taga suporta ni Pangulong Duterte, kaya naman agad na binatikos ng mga taga suporta ng ABS-CBN ang tatlong artista dahil sa kanilang pagsuporta sa pamahalaan.

Ayon pa kay Toni, ‘most heartbreaking’ umano ang nangyari sa ABS-CBN dahil isa ang naturang estasyon sa kanyang mga pangarap na makapagtrabahu.

“It was my biggest dream to work here. Watching it shut down today is the most heartbreaking thing to witness.” sinabi pa ni Toni.

Nangako rin si Toni na palagi siyang magdarasal para sa network na tinawag niyang ‘tahanan’.

“Every filipino is a kapamilya. [broken heart emoji]” sabi pa ni Alex sa kanyang social media account.

Marami namang netizen ang nasorpresa sa naging reaksiyon ni Robin Padilla sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN.

Ayon sa kanya, pagbabago at hindi umano pagsasara ang sagot sa ABS-CBN, sinabi rin nito na marami ang nangangailangan sa serbisyo ng ABS-CBN dahil isa sila sa naghahatid ng impormasyon sa publiko tungkol sa COVID19.