Pokwang binanatan ang vlogger na si Baninay Bautista: “Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo!”

Viral ngayon sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng komedyante na si Pokwang laban sa dating Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate at ngayo’y vlogger na si Baninay Bautista.

Binatikos ni Pokwang ang nasabing vlogger dahil umano sa pagbibigay nito ng ‘panic’ dahil sa inupload nito na video sa kanyang Youtube account.

Sa Youtube channel ni Baninay, ibinahagi nito sa kanyang followers na nagpositibo siya sa COVID-19, at ikwenento nito ang hirap na kanyang dinanas.

“Hi every bunny, i wanna share with you my journey at mga pinagdaanan ko this past few weeks na hindi ako active dito sa social media lalo na sa youtube.”

“I wanna share what’s really happening pag naging covid positive ka and please samahan niyo po ako sa journey ko hanggang sa maging okay na ang lahat. love you all!!” saad pa ni Baninay sa kanyang caption.

Dahil dito, agad na naglabas ng pahayag ang komedyante na si Pokwang sa kanyang twitter account dahil hindi umano sinabi ni Baninay na late upload na iyong video.

“Dahil sa vlog mo nag panic kmi pot*h ka! e late upload naman yan at negative naman result mo last aug.2!! Wag mong gawin pagkaperahan yang nag ka covid ka may nalalaman kapa na update update sa mga ganap sayo e negative na nga diba? nangdamay kapa ng nerbios at gastos!” saad pa ni Pokwang sa kanyang tweet.

Binanatan rin ni Pokwang ang vlogger dahil tila ginagamit umano nito ang COVID-19 para lamang makakuha ng maraming views sa kanyang channel.

“Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last aug.2?? july 21 ka nagkasakit tapos aug.2 ok kana negative kana! Aug.16 naglaro ka samin nagpanic kmi kanina dahil di mo sinabi sa vlog mo na late upload nayan! pa trending ka!”

“Hindi mo alam ang panic na ginawa mo samin Baninay! may anak ako at nanay na 80yrs old! sana sinabi mo agad sa vlog mo na nag negative kana last aug.2 dahil aug.16 nag guest ka sa gameshow! hindi mo alam pakiramdam ng isang ina na sobrang nag aalala sa ganitong pandemic!” dagdag pa ni pokwang.