Political Blogger sinupalpal si Nikki Valdez matapos niyang batikusin ang Pangulo: “Mas pipiliin mong mag-operate ng illegal ang network mo para sa kapakanan mo kesa sa respetuhin ang pangulo”

Kahapon lamang ay naging viral sa social media ang tungkol sa naging pahayag ng Kapamilya aktres na si Nikki Valdez matapos nitong batikusin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na inamin ni Valdez na isa siya sa mga bumuto kay Pangulong Duterte noong kasagsagan ng eleksyon at ngayon ay nadismaya siya sa adminitrasyong Duterte dahil mas inuna pa umano na ipasara ang ABS-CBN.

Kaya naman agad na bumwelta si Noel Landero Sarifa na kilalang bilang isa sa taga suporta ni Pangulong Duterte.

Ibinahagi ni Sarifa kay Valdez ang mga nagawang proyekto ni Pangulong Duterte para sa bansa. Ayon pa kay Sarifa hindi rin dapat isipin ni Valdez na mas pinapaboran ni Pangulong Duterte ang mga chinese nationals.

“Nikki..nikki..nikki.. Unang-una nagkaroon na ng boses ang simpleng mamayan, naandyan ang sumbungan ng bayan na 8888-hotline, naandyan yong emergency hotline natin – 911, meron pa tayong office of the president na pwede natin sulatan or tawagan sa ating problema, naandyan din ang malasakit center na handang magbigay ng medical assistance. So yes, salamat sa boto mo at nagkaroon ng boses ang ordinaryong mamamayan.” sagot pa ni Sarifa sa bwelta ni Valdez.

“Paano mo nasabing nasa China ang katapatan ng Pangulo? Sa China ba sya nagpatayo ng mga tulay at kalsada? Sa China nya ba pinapatupad ang pagtaas ng sahod ng sundalo, pulis, teacher at mga nurse? Mga chinese student ba ang binigyan ng free tuition at free wifi? ang pagkakaibigan ba sa China ay sukatan ng katapatan? Bakit sa panahon ni Pnoy nawalan tayo ng Isla? At bakit sa panahon ni Duterte nagkaroon ng bilateral agreement para hindi na umusad ang pagsakop ng China sa WPS?” dagdag pa nito.

Basahin ang kanyang facebook post sa ibaba:

Nikki..nikki..nikki.. Unang-una nagkaroon na ng boses ang simpleng mamayan, naandyan ang sumbungan ng bayan na 8888-hotline, naandyan yong emergency hotline natin – 911, meron pa tayong office of the president na pwede natin sulatan or tawagan sa ating problema, naandyan din ang malasakit center na handang magbigay ng medical assistance. So yes, salamat sa boto mo at nagkaroon ng boses ang ordinaryong mamamayan.

Paano mo nasabing nasa China ang katapatan ng Pangulo? Sa China ba sya nagpatayo ng mga tulay at kalsada? Sa China nya ba pinapatupad ang pagtaas ng sahod ng sundalo, pulis, teacher at mga nurse? Mga chinese student ba ang binigyan ng free tuition at free wifi? ang pagkakaibigan ba sa China ay sukatan ng katapatan? Bakit sa panahon ni Pnoy nawalan tayo ng Isla? At bakit sa panahon ni Duterte nagkaroon ng bilateral agreement para hindi na umusad ang pagsakop ng China sa WPS?

Bakit hindi uunahin ang anti-terr0r bill? Dekada na ang hinihintay ng mamamayan para mabigyan sila ng proteksyon laban sa terr0rista? Hanggang kelan mo paghihintayin ang taumbayan? Hanggang kailan mo hahayaang may mapatay nanaman ang mjga terr0rista?

Inuna ang pagsasara ng ABS-CBN? kusang nag-expire ang franchise, bilang mandato, kapag walang franchise dapat hindi na pwede mag-operate? Anong sinabi mong pinasara? Bukas pa ang ABS-CBN binawi lang ng gobyerno ang pinahiram na frequency dahil expired na ang prangkisa, at ayun sa hearing sa congress hindi na sila qualified ulit na bigyan ng panibago, hindi kasalanan yun ng pangulo.

Nanatili ang POGO? Panahon pa ni Gloria yang POGO na yan, so mas ok sayo alisin ang POGO na 37,000 Pilipino ang mawawalan ng trabaho? Bakit mo pinag-iinitan ang Pogo e ginagawa na nga yang legal kasi illegal yang nakakapag-operate before. Ngayong pinakikinabangan na ng taumbayan gusto mong isara? Ano klaseng pag-iisip yan?

OO, ito ang plano nya sa Pilipinas, may boses ang mamayan, may pagkakasundo sa mga ibang bansa hindi naghihikayat ng giyera, ipatupad ang batas, gawan ng maayos na pamamalakad ang mga illegal na operasyon na business sa bansa para mapakinabangan ng taumbayan hindi ng iilan lang. So sana, makita mo yan, magpapasalamat ka bakit sya ang binoto mo, pero hindi e, mas pipiliin mong mag-operate ng illegal ang network mo para sa kapakanan mo kesa sa respetuhin ang pangulo at ang saligang batas.