Pres. Duterte on Taal eruption: “Let’s make an offering”

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mainam umano na subukan ang “primitive way” at mag-alay ng dasal at offering sa Taal Volcano.

Ayon pa sa kanya, kaya siguro nag-iingay ang bulkan ay dahil nakalimutan ng mga mamamayan na mag-alay sa bulkang Taal.

“But Taal is a really noisy one. And maybe you have failed to make some offerings there. You should go there and you know say a little prayer and offer something. Let’s go by the primitive way of doing it just like what our forefathers would do it.” saad ng Pangulo sa ginanap na situation briefing sa Batangas City nitong Martes ng gabi.

“It was true then but it might be true now,” dagdag pa nito.

Saad pa nito, wala naman mawawala kung susubukan ito gaya ng mga ginagawa noong mga unang panahon.

“Well, we are a Christian country. So we believe in no other power than God. But you know, alongside with God, ito ‘yung may-ari ng mga bulkan, ‘yung si Mt. Makiling,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang mga dumalong opisyal at sinabing kuntento siya sa ginagawang pagtulong ng mga ahensiya ng gobyerno.

“Well, anyway I am very satisfied I said with the response of everybody. The fact that no one was killed and that there’s nobody really sick,” saad pa ng Pangulo.

Recommended For You

About the Author: root