Pres. Duterte sinagot ang pambabatikos ni Diokno: “Si Diokno pag magsalita parang janitor”

Naging viral ngæyon sa social media ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay defeated senatorial candidate Chel Diokno.

Matatandaan na binatikos ng oposisyon si Pangulong Duterte dahil sa kanyang pagbabanta sa mga leftist group kung sakaling ipagpatuloy nila ang panggugulo nila.

Sa naging televised address ni Pangulong Duterte, binatikos nito si Diokno dahil sa tila panghihikayat umano nito na labagin ang mga batas kahit na nasa ilalim ng Enchanced Community Quarantine ang Metro Manila.

“Alam mo Diokno sa totoo lang, bilib ako sa tatay mo pag nasa korte yon noong estudyante pa kami talagang nanonood ako, pero noong ikaw nakita kita, wala ka talagang sinabi, pag magsalita ka, wag lang mainsulto yan ah, etong si Diokno pag magsalita parang janitor,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Ipinaliwanag rin ni Pangulong Duterte kung bakit natalo si Diokno noong nakaraang eleksyon.

“Alam mo kung bakit? Kalaki kasi ng ngipin mo, magsalita ka kalahati ng panga mo lumalabas… totoo tanungin mo ang mga Pilipino na nakikinig ngæyon, kung magsalita ka ang laki ng ngipin mo,” saad pa nito.

Sinabi rin ng Pangulo kay Diokno na ni minsan ay hindi niya ginamit ang presidential yacht at mga bagong biling jet para sa chief executive.

“Matagal ng binili ng airforce yan, you are intellectual l1ar, alam mo yung eroplano matagal ng inorder, tapos sabihin mo bumili ng eroplano… ginagamit yan ng airforce sabihin ko sayo ngæyon hindi ko nga nakita yang eroplano na yan, hindi ako gumagamit sa gobyerno kapag ako ang nag travel, para malaman mo Diokno,” giit pa ng Pangulo.

“Ang yate nasa pantalan, kung gusto mo iyo na yan, pero sabi ko sa navy gawing ospital kagad yan pati tulong sila ng iba,” dagdag pa nito.

Matatandaan na binatikos ni Diokno ang gobyerno dahil sa kakulangan umano nito ng aksyon laban sa ginawang paglabag ni Senador Koko Pimentel.

“Pag mahirap, kulong. Pag senador, compassion? Ang compassion e para sa mga may sakit at mga naghihirap, hindi para sa mga pulitikong sadyang nilagæy pa sa peligro pati frontliners natin. Bakit pag ordinaryong tao, parusa agad? Pero kung big time, walang pananagutan?” saad pa ni Diokno sa kanyang twitter post.

Mensahe ni Pres. Duterte sa gitna ng #COVID19 pandemic

LIVE | Mensahe ni Pres. Duterte sa gitna ng #COVID19 pandemicDuterte: Kailangan akong magsalita dahil marami ang tanong ng mga kababayan natin. I am constrained to talk to you almost everyday.Duterte: In the coming days, there will be arrests made and a lot of lousy lawyers like Chel Diokno giving encouragement to people to violate the law.Duterte: Walang katapusan ito. Maski kahit anong klaseng gamot, doktor, kapag nasa labas ang tao, hindi matapos ito. Ang COVID parang cadena de amor. Kapag nasa labas ang tao, maubos tayo in 2 months.Duterte: Maski suspicious ka lang, tanungin ka, ang sagot hindi tama, 'pag nagsabi ang pulis ng authority niya, inaaresto kita sa ginawa mong pagpatay etc, ang responsibility mo is to submit yourself. You have to go to the police.Duterte: Ang sinabi ko, huwag ninyong payagan na magkaroon ng rally, kung anu-ano kasi walang katapusan ito. Duterte: Kapag sinita ka ng pulis, at inaresto ka sumama ka, Kapag 'di ka sumama… ang pag-aresto don't end there. The police will bring you to station for blotter, investigation.Duterte: Kaya ang batas nagsabi, kung ito mag-resist, ang kailangan 'yung pulis, mas overcome.Duterte: Kung lumaban ka sa sinabi ko, at the start of this statement, sinabi ko, kapag lumaban kayo at inilagay niyo sa delikado ang buhay ng pulis, barilin mo, patayin mo. Iyan ang batas.Duterte: Abogado ako. I never said in public shoot to kill, period. If you think your life is in danger, unahan mo na. Parang gyera sa NPA.Duterte: Huwag ninyong putulin. I lay down the predicate. Sinasabi ko muna yan para hindi ako sumabitDuterte: Hindi natin matapos itong problema natin kung sige kayo labas. Sa America ngayon lang sila. Nauna na tayo. Nagdesisyon na ako kasi pinag-aralan ko na ang COVID because I read.Duterte: Kung ayaw ninyo, kayo na lang ang tapusin ko para maprotektahan ko ang inosente na ayaw mamatay.Duterte: I was very frank and emphatic about it. Sabi ko may dadating na sakit at walang gamot ito. Ang gamot 'yung katawan mo lang.Duterte: I do not have the duty to lie to you. Bakit ako magsinungaling? Duterte: Wala akong obligasyon na magsinungaling sa inyo. Bakit ko papahirapan sarili ko? Just to lie to you to make you happy?Duterte: I govern properly and right. If you’re happy, you smile. If you’re not, you criticize.Duterte: 'Yung P200-B proseso 'yan. Ang mga nasa gobyerno takot din. Takot ang tao basta pera. Pagkatapos nitong COVID, pag-audit ng COA. Kaya careful ako. Duterte: Noong mag-ambisyon akong mag-presidente, wala akong plano magnakaw.Duterte sa oposisyon: Kung 'yan ang mga tao na ipalit ninyo sa susunod na eleksyon, torpe talaga ang mga Pilipino.Duterte: Alam mo Chel Diokno, bilib ako sa tatay mo. Pero noong ikaw nakita ko… Alam mo kung bakit hindi ka nanalo? Kasi ang laki ng ngipin mo.Duterte: 'Yung kay Mayor Vico, isang beses lang ako nagsalita. 'Yung pag-proclaim ko ng emergency. Wala akong pakialam sa NBI kung ano ang gusto nila. Trabaho nila 'yan. Ang akin, policy sa taas.Duterte: Ang Philippine Navy, in-alert ko. 'Yung barko ng Presidente ng Pilipinas, maganda 'yan ang loob niyan parang hotel. Pero di ko 'yan nagamit. 'Di ko sinakyan 'yan, 'di ako bagay diyan, pang-bangka lang ako.Duterte: 'Yung eroplano na sinabi mo Diokno, na matagal nang binili ng air force. You are an intellectual liar. Matagal nang inorder at dineliver. Wala pa ang COVID.Duterte to Diokno: Ang problema sa iyo, yung pagsalita mo 'yung ngipin mo ang lalaki. Ganito na lang kayong Pilipino na torpe, doon kayo sa dilaw at doon kayo magpakamatay.Duterte: Ang pakiusap ko lang, huwag kayo mag-fake news. Kapag mag-fake news kayo mumurahin ko kayu araw-araw dito.Duterte: May tao ako, si Manuelito Luna, gusto niya paimbestigahan si Leni. Kaya nang marinig ko, sabi ko, fire him. Wala naman kasalanan ang Vice President. Nag ano nga na tumulong.

Posted by News5 on Friday, April 3, 2020