Proud papa! Edu Manzano pinuri ang kanyang anak sa ginawing anti-Duterte rally sa New York City

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa ginawang pagprotesta ng anak ni Edu Manzano sa New York City.

Umani ng pambabatikos si Enzo dahil sa ginawang anti-Duterte rally sa United States na kung saan magisa lang itong nag proprotesta.

Kaya naman agad na pinuri ni Edu Manzano ang kanyang anak dahil sa kanyang ginawa sa New York City.

Sa twitter tweet ng batikang aktor, sinabi nito na proud siya sa ginawa ng kanyang anak dahil ipinaglaban umano nito ang kanyang karapatan.

Ayon pa sa aktor, dapat umano suportahan ng mga parents ang kanilang mga anak lalo na sa pagbibigay ng kanilang opinyon sa gobyerno.

“Proud father here!!!” saad ni Manzano.

“I can’t agree w/ you more. We mustn’t allow our kids to hesitate in life. Kapag na tama dapat full steam ahead,” saad pa nito sa isa niyang followers.

“I’ve always said that biases and opinions will be shaped and re-shaped over time. I’m just happy my son has a voice” saad pa ng aktor.

Matatandaan na naging viral sa social media ang isang video ni Enzo na kung saan magisa lang itong nakatayo sa United Nations HQ mahigit tatlong oras upang batikusin ang administrasyong Duterte.

“Filipinos cant protest so I hope the world can see us instead!” nakasulat sa placard na hawak ni Enzo.

Ang sa pangalawang araw ng kanyang pagpoprotesta, pumunta naman ito sa Consulate General of the Philippines.

“The Philippine government is de stroying my country’s democracy! Hear us now (Before its too late)” nakalagay sa kanyang placard.

Posted by Enzo Manzano on Friday, June 19, 2020