Radio host binara ang bagong paandar ni VP Leni Robredo: “Isang panllilinlang na naman sa taumbayan ang ginagawa”

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na kung saan kwenistyun nito ang bagong ‘protocols’ umano ng IATF at DOH laban sa COVID19.

“Ang problema din natin nag-iba tayo ng protocols. Dati ang recoveries kapag tinest ulit na nagnegative na, saka mako-consider na recovered.”

“Iyong protocols ngayon kapag nakumpleto mo iyong quarantine, hindi ka na ite-test, i-a-assume na lang na negative ka na. Hindi ko alam how efficient at saka how effective iyon. Pero iyon ang desisyon ng DOH saka IATF.” saad pa ni Robredo.

Kaya naman hindi nakapagpigil ang kilalang radio host at taga suporta ng pangulo na si Mark Lopez na barahin at sagutin ang naging pahayag ni Robredo.

Ayon pa kay Lopez, hindi umano ang DOH o IATF ang nagdesisyon na baguhin ang protocols kontra sa COVID kundi ang World Health Organization (WHO) mismo ang nagpapatupad ng panibagong guidelines.

Dapat rin umano maunawaan ni Robredo na ang virus o ang COVID19 ay nag mu-mutate kaya kinakailangan ng adjustments.

Binanatan rin ni Lopez ang mga media na tila nag uunahan sa pag publish ng mga pahayag ni Robredo kahit na wala umanong saysay ang sinasabi nito.

BASAHIN ang naging facebook post ni Mark Lopez sa ibaba:

PRAISE RELEASE

Dumale na naman si Mema Leni…

Isang panllilinlang na naman sa taumbayan ang ginagawa.

Ang pagbabago ng protocol eh ayon na rin sa bagong guidelines na nilabas ng World Health Organization (WHO).

Plus, hindi pa rin ba malinaw na the virus is mutating, and even the medical and scientific communities are learning as we go along, kaya adjustments are being made every now and then.

Pero alam nyo, itong panggago na ito, hindi na kasalanan ni Mema Leni.

Ang problema eh ang media dito sa atin, kahit wala namang kwenta na ang mga banat ni Mema Leni, sige pa rin at panay publish, at panay bigay prominence.

Ewan ko pero madami ng sablay itong si Mema Leni, pero sige pa rin ang kanyang high profile appearance sa media.

Tsaka pansin nyo, wala sa kanila ang nambabara o nag da-dissect ng malalim dito sa mga pronouncements nya.

Basta na lang tinatanggap at face value ang mga PRESS RELEASES ng opisina ng OVP, and automatic din ang gawa ng mga quote cards and memes nya. Walang reporter man lang sa kanila ang may mag dare na, “Madam VP, ang WHO po ang nag set ng bagong guidelines, aware po ba kayo jan?”

Di ba walang ganyan?

Alam nyo kung baket?

Pa meryendahin nyo ako, sasabihin ko…🤭