Regine Velasquez on ABS-CBN’s possible shutdown: Hindi na natin mapapanood si Cardo, KathNiel, LizQuen at MayWard

Viral ngayon sa social media ang naging komento ni Asia’s songbird Regine Velasquez Alcasid tungkol sa pagsasara ng TV Network na ABS-CBN.

Sa kanyang instagram post, inisa-isa ni Regine ang mga posibleng mawala umano sa mga Pinoy kung tuluyang masasara ang ABS-CBN.

Ayon sa kanya, kapag mawala raw ang naturang istasyon, ay hindi na siya makakakanta kapag mawala na ang ASAP, Sinabi rin nito na mawawala na rin umano ang longtime running action tv series na ‘Ang Probinsyano’.

Sinama rin ni Regine ang mga ibang artista na kung saan ay hindi na umano mapapanuod ng mga Pinoy kung sakaling magsara na ang ABS-CBN.

“Pano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibigsabihin nito???? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love thy woman at Iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat.”

“Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA. Hindi na natin makikita sila Mori,Ange,KZ ,Moi Jona at iba pang magaling na mangaawit bumirit ng libre. Hindi na tayo matatawa kay Alex at Ate nya. Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda!!!!!!Hindi na tayo makaka discover ng mga bagong mang aawit, bagong idolo. Na makapagbabago sa buhay ng mga napaka talentong mga kabataan natin.”

“Hindi na natin mapapanod ng libre ang KathNiel, LizQuen at MayWard.Higit sa lahat wala ng BALITA at importating impormasyon tayong mapapanood.”

Sinagot rin ni Regine ang mga sagot ng netizen na mayroon pa namang ibang istasyon na pwedeng panuoran kung sakaling magsara ang ABS-CBN.

“Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood?? Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila.”

“Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE😊 Bagamat ako po ay bago pa lamang naninirahan sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya. Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila. Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito.”

View this post on Instagram

Pano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibigsabihin nito???? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love thy woman at Iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat. Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA. Hindi na natin makikita sila Mori,Ange,KZ ,Moi Jona at iba pang magaling na mangaawit bumirit ng libre. Hindi na tayo matatawa kay Alex at Ate nya. Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda!!!!!!Hindi na tayo makaka discover ng mga bagong mang aawit, bagong idolo. Na makapagbabago sa buhay ng mga napaka talentong mga kabataan natin. Hindi na natin mapapanod ng libre ang KathNiel, LizQuen at MayWard.Higit sa lahat wala ng BALITA at importating impormasyon tayong mapapanood. Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood?? Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila. Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE😊 Bagamat ako po ay bago pa lamang naninirahan sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya. Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila. Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito. #wagisaraangabscbn

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on